11

88 12 0
                                        

"15 days school-based community service and disqualification from the audition..." Kasalukuyang binabasa ni Yves ang school newspaper habang kinukuha ang favorite medicine ko.

"Kahapon lang nangyari pero nai-publish na nila kaagad." Humanga ako sa bilis ng pagkalat ng balita. Inabot niya sa akin ang juice drink at masaya ko naman itong tinanggap. Kahit pinag-awayan namin ito ni Luigi ay hindi ko pa rin pinagsisisihan ang ginawa ko. As I've said, they deserved it!

Speaking of Luigi, sabay pa din kaming pumasok kanina pero hindi kami nagpapansinan. Maliban na lang kung may ibang tao at kailangan naming magpretend. Hindi naman big deal sa akin yun, mas okay pa nga dahil hindi naman talaga namin kailangang mag-usap at wala naman kaming pag-uusapan.

"Missing in action ata yung boyfriend mo?" Napairap naman ako sa sinabi ni Yves. Maka-boyfriend akala mo totoo e. Hindi ko na lang siya pinansin at as usual pinagmasdan ko na lang ang mga estudyante sa field.

Nag-stay pa ako ng ilang minuto bago ako bumalik sa room. As expected, usap-usapan pa rin yung eksena nila Leila kahapon and syempre pigil na pigil na naman ang ngiti ko.

"Nakakahiya sila! Hindi man lang nahiya sa mga guest judges! Ano pa ang mukhang ihaharap ng organization nila sa mga yun." One of my classmates recalled. Napailing pa ito habang tawang tawa naman ang iba.

"Sayang hindi ko napanuod ng live!" One of them replied. Hay! Tama lang na manghinayang ka. Para kang nanunuod ng play na ako mismo ang nag-direct. Gusto ko din i-acknowledge ang pag-arte ng dalawa kong lead star. They deserve a slow clap and a standing ovation.

"Akala ko magsasabunutan sila, inabangan ko pa naman kaso inawat na sila. That would have been the highlight of their scandal." May point siya. Gusto ko ang way of thinking ng mga to. Good thing sila ang nakapaligid sa akin.

"Girl, hindi na kailangan ng sabunutan. Alam mo kung ano ang magiging highlight? Yung clash nila! Balita ko nahati daw ang grupo nila." Ito talaga ang dapat nilang abangan. Maybe this time tatantanan na ako ng grupo nila then sila sila na 'tong mag-aaway. I can still make them suffer for belittling me and they will think na pakana ng isa't isa yun. Damn! Why am I so genius?

"Hindi naman malabo yun. Ang paplastik naman nila e. Ngayon alam na nila na sila sila rin ang nagpaplastikan." She sighed.

"Anyways, start na ng community service nila. Nandoon daw sila sa field nagwawalis." Pagkasabi nun ng isa kong kaklase ay sinilip namin sila sa bintana. Syempre pati ako nakigulo. Abala nga ang dalawa sa pagwawalis.

Kinuha ng isa ko pang kaklase ang trashcan namin at itinaktak ang laman nito sa may bintana. Nagustuhan ko ang ginawa niya pero hindi ko pinahalata. Mukhang hindi ko na kailangang kumilos para pahirapan yung dalawa dahil madami ng gagawa nito para sa akin.

"What the hell?!" Sigaw ni Grace. Tumingala silang pareho sa amin. Nagtawanan ang mga kaklase ko sa itsura ni Grace, Leila on the other hand flashed her middle finger dahil sa sobrang inis. Umalis na ako sa kasiyahan at upo. That's what you get when you messed up with me!

***

"Ano gusto mong kainin?" Cold na tanong sa akin ni Luigi habang nakatingin sa menu. Wala akong pake kahit kasing cold pa siya ng dry ice. Sa labas siya nag-ayang kumain, I guess tinatamad siyang magpretend kaya lumayo kami. Pagkasabi ko ng order ko ay tinawag na niya kaagad ang waiter.

Wala ng nagsalita sa amin habang hinihintay ang pagkain. Hay! Hindi ako sanay ng nananahimik. Dapat naghahasik ako ng lagim sa campus! Dumating na ang mga food at nagsimula na rin kaming kumain.

"Balita ko disqualified si Leila. Yun ba ang gusto mong mangyari?" Nakatingin lang siya sa pagkain niya. Napairap nalang ako. Ito na naman ba pag-uusapan namin?!

"Ang gusto ko sana suspension or much better kung expulsion. Well I guess masyado akong naging maluwag sa kanila." I smirked. Hindi naman talaga ito ang gusto kong mangyari. Sinabi ko lang yun para asarin lalo si Luigi. Ayoko ngang ma-expel yung dalawang yun. Papahirapan ko pa sila tsaka medyo mahaba pa ang school year kaya mabobored ako pag wala sila.

"Listen, hindi part ng plano natin ang pahirapan si Leila." Padabog niyang ibinaba ang kubyertos niya at diretso akong tinignan sa mata.

"Sinong may sabi sayong ginawa ko yun dahil sa deal natin? Mukhang nakalimutan mo ata na ang deal lang natin ay magpretend na couple to show them na nakamove on ka na. So alin dun ang malabong maintindihan?" I can't believe him. Akala ko pa naman matalino siya, puro yabang lang pala alam.

"Ang ibig kong sabihin, kung may plano kang ganun hindi ko na kailangan pang makita. Wala akong pakialam kung ano gusto mong gawin basta leave me out of it!" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. In-lababong in-lababo pa rin sa ex niya.

"Hindi ko talaga kayo maintindihan. What the heck is the purpose of our deal? Mukha namang in-love pa kayo sa isa't isa! You know what? Magbalikan na lang kayo." Itinuloy ko na lang ang pagkain ko. Friendly advice yun. Ganun na lang ang gawin nila kesa ginugulo nila ang buhay ko. Ayos naman ako nung wala si Luigi, I don't need him para pahirapan sila Grace. Though may nai-ambag naman siya dahil mas naging aggressive ang grupo nila Leila sa akin, other than that wala na.

"You don't want me to get back with Leila, lalo na't alam ko ang sikreto mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. He's wearing his devilish smirked again! Son of a bitch! How dare him!

"Hindi ko alam na ganyan ka pala kabalimbing." Sabi na e! Wala ding saysay yung deal namin, he can spill my secret whenever and wherever he want! I shouldn't have trusted him! I need to think fast! Kailangan ko ng umisip ng paraan para mapaikot ko siya sa kamay ko! Hinding hindi ko hahayaang ipagsabi niya sa lahat ang sikreto ko!

It Started with a...Deal?Where stories live. Discover now