"Medyo magiging busy ako starting next week. Start na ng training namin for the upcoming sportsfest." Sinundo niya ako sa room ko para kumain na. Ayoko sanang bumaba at gusto ko lang tumambay sa clinic pero nagugutom na talaga ako.
"Okay. Hindi tayo masyadong magkikita?" Tanong ko dito. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"Don't worry, I will always find time for you." I cringed! Kinindatan pa ako! Yuck! Kinurot ko na lang siya at umastang parang walang ginawa.
Ganyan na siya ka-komportable pag magkasama kami. Laging nang-aasar pero syempre kapag si Leila ang pinaguusapan napakasensitive. Iniintindi ko na lang dahil sa aming dalawa, ako ang mas mature mag-isip.
Napaisip ako ng maalala ko yung plan ko kay Luigi. Hindi kasi maalis sa isip ko yung sinabi niyang pwede niyang sabihin ang secret ko anytime niya gustuhin. Sabi ko nga, napakahirap magtiwala. Yes, we agreed on our deal but wala pa rin akong assurance na hindi nga niya ipagkakalat yun.
Not that I'm scared, I'm just not ready yet. So I came up with a plan at napagdesisyunan ko ng simulan itong gawin today.
Nakaupo na kami sa cafeteria ngayon. Mas dumami na ang tumitingin sa amin sa tuwing magkasama kami ni Luigi. Why? Aside sa football captain tong unggoy na to, he's also dating the one, the only, Valeen Desiderio. Pasalamat siya sa akin sumikat siya lalo.
I checked my watch. I need to move fast baka pumalya yung plan ko!
"Hey, I forgot something sa room ko. Kunin ko lang, I'll be back agad agad." Hindi ko na hinintay pa na makasagot siya at tumakbo na pabalik sa room ko.
Pagkadating ko sa room, kinuha ko yung pack lunch na binaon ko para sa aming dalawa. Super cute pa ng baunan na dinala ko lakas maka-grade school.
Tinignan ko ulit yung oras bago lumabas ng room. Nang marinig ko na ang mga boses nila ay lumabas na ako.
"What a coincidence." As expected, hinarang ako ng grupo nila Leila. Gusto ko sanang umirap dahil consistent sila sa pambubwisit sa akin pero hindi na lang ako kumibo dahil kailangan ko sila ngayon. Iniwasan ko sila pero hindi nila ako tinantanan. Napakapredictable ng mga pinaggagagawa nila, walang thrill!
"Ano yang hawak mo? Mind to share?" Umaarte pang hindi alam, hampas ko sa inyo to e. Itinago ko kunwari yung lunch box para naman ma-convince ko sila na ayaw kong makita nila kung anuman ang hawak ko. Hindi nila alam ginagamit ko lang sila para sa plano ko. Inagaw nila sa akin yung lunch box at ibinigay kay Leila.
"Sweet! Para ba to sa Luigi ko?" Binuksan niya yung baon ko. Inggitera talaga e. Hay! Sila dapat talaga ang kinakaawaan. Mga kulang masyado sa pansin, mabuti na lang mabait ako.
I almost smirked pero pinigilan ko. Hay Leila the clueless bitch.
"Well, thanks for looking after him. Sulitin mo lang habang nasayo pa!" Tinapon niya yung food na dala ko. Nag-slow motion pa ang pagkalaglag ng mga pagkaing hinanda ko. Damn! Gutom na pala talaga ako. Chill Val, bumili ka na lang sa caf. Ikaw din naman ang magbebenefit kaya tiis ganda ka muna.
Inexpect ko namang mangyayari lahat ng to and I'm so happy dahil so far everything is going according to plan, kaya papalampasin ko muna yung ginawa nila.
"Next time wag mong lalagyan ng tofu. Hindi siya kumakain nun." Inihagis na niya sa akin yung lunch box. Pinulot ko naman tong lahat para kunwari napaka kawawa ko.
"Tigilan niyo na yan Leila. Pa-epal talaga tong mga to." Sigaw nung mga students na napadaan. Hindi naman sila lumapit dahil siguro'y takot rin na mapagbalingan ng galit.
Umirap si Leila at tumawa ng malakas.
"Tell me, what's with this girl at palagi niyong pinagtatanggol? She should learn to defend herself, hindi yung pagpapaawa lang ang alam." Natahimik si Leila at biglang may humatak sa akin patayo. Nilingon ko kung sino ito at pinigilan kong mangiti ng makita ko si Luigi. Just in time!
"She may be vulnerable, she may be fragile but even so she still outshines you all." Ano ka ngayon Leila? Mas mahaba ang buhok ko sayo! Mamatay ka ngayon sa inggit!
Hinatak na ako palayo ni Luigi sa grupo ni Leila. Gusto ko silang lingunin para makita ko ang mga itsura nila pero hindi ko magawa kasi sobra makahila tong unggoy na to.
Binitawan niya lang ako ng nasa rooftop na kami. He's just standing there. I heard him sigh pero di ko na to pinansin at inayos ko na lang yung pack lunch na tinapon ni Leila.
"Bakit ba pumapayag ka ng ginaganun ka nila Leila?" Tinignan ko siya and this time he's looking at me with his arms akimbo. Duh?! Kung makareact akala mo naman siya yung inaapi.
"Hindi ako pumapayag. Sadyang mabait lang ako." I smirked. Yun naman talaga ang act ko. Magkunwaring mabait para hindi nila alam na ako pala yung nagpapahirap sa kanila.
"Ano ba kasi yan?!" Tanong niya sa akin. Sakto namang tinigilan ko ng ayusin yung lunch box. Wala ng pag-asa, sira na talaga. Hay! Ang poor ng quality nito!
"Ano sa tingin mo? Nakakainis! Prine-prepare ko pa naman to para sa atin tapos tinapon lang nung mabait mong ex! Bitter!" Napairap pa ako. Kahit expected ko na namang mangyayari yun naiirita pa rin ako sa bitch na yun. Wala talagang maidudulot na mabuti ang pagiging inggitera niya.
"Para sa atin?" Mula sa bewang niya ay inilipat niya ang kamay niya sa bulsa niya. Ano ba yan! Nabingi pa! Iirap na sana ako kaso lumapit siya sa akin.
"Oo." Sagot ko na lang. Tinanggal na niya ang kamay niya sa bulsa niya and this time may hawak na siyang panyo. Pinunasan niya ang kamay ko na nadumihan ng pulutin ko yung lunch box.
"Sa atin ba talaga? Mukhang kulang pa sayo yun e." Pang-aasar niya. Hinampas ko siya ng malakas sa dibdib at ininda naman niya ang sakit.
"Ang kapal mo!" Pagkasabi ko nun ay nginitian niya ako. Pati ako ay napangiti na rin. Mukhang effective ang plano ko. Lumapit siya ulit at pinunasan ang kamay ko.
Konting effort pa at mapapaikot na rin kita sa kamay ko. Walang lalaking hindi bumibigay sa akin Luigi Ramos. Hintayin mo lang ang araw na ikaw mismo ang hahalik sa paa ko.
"Baka naman main-love ka niyan kakatitig mo." Hindi ko napansin na mula sa kamay ko ay sa mga mata ko na pala siya nakatingin. Tumawa lang ako na parang nagbitaw siya ng sobrang nakakatawang joke.
"Asa ka pa! Sa pangit mo na yan!" Inirapan ko ito at inaya ng kumain.
YOU ARE READING
It Started with a...Deal?
Teen FictionA deal. It all started with a deal... Followed by another deal... And ends up with a deal. How will our relationship be true if it started with a lie? How will we be able to deal with our problem if our problem was the deal? Kinda confus...
