8

184 16 0
                                    

"Kulang ako sa tulog! Naiintindihan mo ba yun?" Sigaw ko sa kanya matapos kaming sipain palabas ni Yves sa clinic. I just want to take a nap kahit sandali lang. Is that hard to understand?

"Well, it's not the right time to sleep princess." Nginuso niya yung mga babaeng nakatayo sa tapat ng room namin. Damn! Ang aga naman ng mga 'to.

Hinawakan niya ang kamay ko at piniga ko naman ito. Binuhos ko lahat ng gigil ko kaya napasigaw siya sa sakit.

"The fuck?" Tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo. Inirapan ko na lang ito at hinawakan niya na ulit ang kamay ko.

"There she is." Tinignan lang nila kami.

"Iiwan na kita. Don't mind them." Kita mo. Ang aga aga niya akong pinapunta dito tapos iiwanan din pala ako. Tumango na lang ako.

Hinalikan niya ako sa pisngi and he guided me papasok sa kwarto. Damn! Wala pang tao! Nakakainis. Dapat talaga natutulog ako ngayon e.

Iniwan na niya ako. Syempre as expected lumapit sa akin yung mga bruha.

"Hindi ka talaga marunong umintindi no? Gustong gusto mo talagang nasasaktan!" Aggressive na sabi ni Leila sa akin. Hindi ko sila tinignan at pinagpatuloy ko na lang ang pagtitig sa labas.

"Hey! I'm talking to you!" Napairap na lang ako at labag sa loob ko silang nilingon.

"Sorry? You're saying?" Nakita kong umikot talaga ang mata ni Leila pagkatanong ko nito.

"Ibang klase! Hatakin niyo na nga yan!"

***

"Get me out of here!" Pagmamakaawa ko sa mga nagkulong sa akin dito sa abandonadong classroom somewhere sa likod na part ng school. Shit talaga yung mga bruhilda na yun e! Yung mga pakana talaga nila! Sinubukan kong buksan yung ilaw pero wala palang bumbilya. Useless!

"Yan ang deserve ng mga babaeng kagaya mo! Maghanap ka dyan ng kakamot ng kati mo! Hindi yung si Luigi ang nilalandi mo!" Nagtawanan pa tong mga freaks na to. Sumigaw pa ako ng mga ilang beses hanggang sa napairap na lang ako dahil alam kong wala naman itong magagawa. Tumigil na lang ako kakasigaw dahil pakiramdam ko ay umalis na sila.

Hindi ko naman kailangang mag-worry. Hindi ako nasisindak sa mga ganitong sitwasyon. Natatawa na lang ako dahil ang luma na ng mga plano nila. Ito na ata lagi ang ginagawa ng mga bitch sa mga bidang gaya ko.

Kinuha ko yung phone ko. Back-up phone. Lagi akong may back-up in case na mangyari ang mga ganitong sitwasyon. I'm always ready! Nakasave din dito yung number ni Yves. Syempre hindi pwedeng mawala yun, aanhin ko yung phone kung wala naman akong tatawagan.

"Hello? Ilabas mo nga ako dito! Naluka na naman yung mga alipores ni Grace." Bungad ko agad sa kanya. Alam na niya kung sino ako for sure. Wala namang ibang nakikipag-usap sa kanya ng ganyan kundi ako lang.

"Saan kita ilalabas?" Walang gana niyang sagot. Ang boring talaga ng buhay ng taong to.

"Ini-lock ako somewhere sa mga abandoned classrooms dito sa university." Hindi ko alam kung saan 'to exactly dahil they blindfolded me before nila ako kaladkarin dito.

"How will I know kung saang classroom yan? Malaki ang ECU in case you don't know." Dull na sagot pa din niya sa akin. Is he for real?

"Just get me out of here, will you?! Bilisan mo! Nagugutom na ko!" I heard him sigh.

"Fine." At doon niya na in-end ang call.

Mas naluka pa yung mga bitch na yun ng naging kami ni Luigi. Gusto ko ng thrill at isa to sa mga yun pero nakakagigil na din e. Nakakastress sila!

Umupo lang ako sa isa sa mga chairs dito sa room. I'm used to this. Alone in the dark. Parang room ko lang. Siguro nasanay na rin ako ng mag-isa kaya I don't panic in this kind of situation.

I can actually live here. Kailangan ko lang ng malambot na bed, aircon, ofcourse food and bathroom with my favorite shower gel. Yun lang talaga. The rest hindi naman necessary.

Dumukdok ako sa desk ng chair. I decided na matutulog na lang ako since inaantok naman talaga ako.

It Started with a...Deal?Where stories live. Discover now