13

78 4 0
                                        

Bella Roque, Ethan Montfort. Sino kaya yung mga yun?

"Kanina ka pa lutang." Pansin sa akin ni Luigi. Kumakain kami ngayon sa cafeteria. Ever since umeksena yung Bela na yun hindi na siya nawala sa isip ko. What's with that girl at nababagabag ako ng ganito?

"Kumain ka ng kumain!" Suway niya ulit sa akin dahil pinaglalaruan ko lang ang pagkain ko. Inilapit niya pa ang kutsara niya sa akin at sinubuan ako. Tinanggap ko naman ito dahil halos isalaksak na niya sa akin yung kutsara niya.

"Thank you." Pinunasan ko ang labi ko.

"Gumising ka nga. Baka isipin nila may ibang lalaki kang iniisip." Naagaw na niya ng tuluyan ang atensyon ko.

"Ang hilig mong isipin yung sasabihin ng iba." Pangontra ko dito. Ang hilig din niyang pakialaman yung ginagawa ko. Wag ko daw siyang isali sa mga ginagawa ko tapos siya naman tong panay ang pangingialam. Ang gulo niya talaga!

"Are you for real? Wala ka ata sa wisyo mo? Kailangan nating isipin yung sasabihin ng iba dahil sila yung dapat nating paniwalain." Napahinga naman ako ng malalim. Alam ko naman yun pero ang OA lang kasi niya. As if naman iisipin talaga yun ng iba.

"Yeah, right." Tipid kong sagot.

"Ano ba kasi yang iniisip mo?" Tanong niya sa akin. Umiling lang ako.

"Guys, may nag-aaway sa field!" Sigaw ng isang estudyante. Nagtakbuhan naman ang lahat ng nasa cafeteria palabas. Syempre chismis yun kaya madaling madali naman tong mga to. Nagtinginan lang kami ni Luigi. Pinagpatuloy lang namin ang pagkain pero mas dumami pa ang mga estudyante na nagsisitakbuhan kaya mas na-curious na ako.

"Sino kaya yung nag-aaway?" Tanong ko kay Luigi pero nagkibit-balikat lang ito. Tumayo na ako at hinila siya papunta sa field. Habang papalapit kami ay mas lumalakas ang ingay, sobrang dami na rin ng tao. Maski ang mga buildings sa paligid ng field ay puno na ng mga estudyante na nakikiusyoso sa kaguluhan.

Pinigilan ko ang ngiti ko ng makitang halos malagas na ang buhok ni Grace at Leila sa pagsasabunutan. Nilingon ko si Luigi pero naglalakad na siya palayo.

Hay! That arsehole! Iniwan ako dito?!

Gusto ko pa sanang manuod pero sinundan ko na si Luigi. Hopeless na talaga yung taong yun. Kawawa naman, laging affected sa ex niya.

Patakbo kong hinabol si Luigi pero nawala pa rin siya sa paningin ko.

"Hey! Watch where you're goin'!" Sigaw ng lalaking nabunggo ko.

"Sorry!" Tinignan ko siya sa mga mata. Nag-uumapaw ang kayabangan niyang taglay. Pinapagpagan pa yung uniform niya. Hindi naman bagay sa ugali niya yung puting uniform. Akala mo kung sinong gwapo!

"Ethan let's go." Tawag sa kanya ng mga kasama niya.

Ethan?

Tinignan ko ulit yung uniform niya at sa left part nito ay nakaburda ang surname niya.

Montfort?

Ethan Montfort!

"Hey miss. Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ethan pero ang dami ng pumapasok sa utak ko. Who's this Ethan Montfort? May kinalaman ba siya kay Bela at Leila?

"Miss?" Hinawakan na niya ang dalawang braso ko.

"Valeen, tara na." Hinawakan ni Luigi ang kamay ko.

"Luigi pare! Long time no see!" Tinapik ni Ethan si Luigi sa balikat. Abot tenga ang ngiti nitong si Ethan subalit mukhang hindi natutuwa si Luigi.

"Bitawan mo siya." Mahinahong sabi ni Luigi. Nakahawak pa rin kasi ang isang kamay ni Ethan sa braso ko. Itinaas naman nito ang parehong kamay niya bilang pagsuko. Hindi na hinintay pa ni Luigi na makapagsalita si Ethan at hinatak na niya ako palayo dito.

"Stay away from that guy." Binitawan na niya ako. Nandito kami sa tapat ng classroom ko. Walang ka-estu-estudyante sa buong floor namin dahil sa palagay ko ay nanunuod pa rin ng live show nila Grace.

"Bakit naman?" Nagtaka na ako sa reaksyon ni Luigi. He mentioned na tropa nila Leila si Ethan pero bakit ganun yung reaksyon niya kanina? As if may atraso yung tao sa kanya.

There's something fishy e. Kahit hindi niya sabihin alam kong may something.

"Just stay away from him." Insist niya.

"I won't." Palaban kong sabi. He has no right to command me. Lately nagiging demanding na siya. Ang dami niyang demands na binibigay ko naman just to avoid misunderstandings dahil wala akong ganang makipagtalo sa kanya. Nirereserve ko lahat ng energy ko for Leila and Grace.

"Kumontra pa e." Napasabunot siya sa buhok niya.

"Tell me, why should I stay away from Ethan? Mukha naman siyang mabait." Inirapan ko siya. I crossed my arms across my chest. I won't let my guard down! Ilalaban ko to hanggang sa may malaman ako.

"That's what you think."

"C'mon! Sabihin mo na lang kung bakit." Pagpupumilit ko sa kanya.

"Basta!" Tumaas na ang boses nito. Sumosobra na siya!

"Basta din!" Sigaw ko pabalik at iniwan na siya doon.

Wait.

Oh no! Oo nga pala, hindi ako pwedeng mag-inarte ng sobra kay Luigi.

Masyadong nada-divert ang attention ko kay Bela. May mas dapat pala akong iprioritize dahil it might lead to a bigger problem!

Binalikan ko si Luigi. Hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya. Ano, wala man lang siyang balak na sundan ako?!

"Samahan mo ko!" This time, ako naman ang hahatak sayo.

"Saan?" Iritado niyang tanong. Keep your composure Val. Kailangan mong tiisin lahat ng kaartehan ng lalaking to. He knew about your pagpapanggap act so might as well behave or you're doom!

"Let's eat somewhere na malayo dito! No Leila, no Ethan, kahit saan!"

It Started with a...Deal?Where stories live. Discover now