Chapter 28: Unveil the Past

150 4 0
                                    

-Vera's POV -

Magdadalawang linggo na ang nakalipas mula nung party pero di ko pa din makalimutan yung ginawa ng grupo nila pinky girl. Suspended sila ng isang buwan dahil sa ginawa nila. Ayos nasa akin yon bahala na si God sa kanila. Wala naman ding kumalat na pictures at videos.

At ako ngayon mega iwas, mega tago kay mr.Killer pati na din kila Mao sa totoo lang kasi na fa-fall na yata ako kay mr.killer at ayoko ng ganitong feeling yung parang di ko ma explain. Almost one week ko na silang di nakikita at na mi-miss ko na sila specially si mr.Killer pero ano gagawin ko ayokong masanay na nanjan sya sa tabi ko baka kasi dumating yung time na maisip nyang di pala nya ako gusto o baka dumating yung babaeng mas magugustuhan nya kaysa sa akin o pwede rin namang akala nya totoo yung nararamdaman nya sa akin pero di naman pala kasi diba nga sabi dati nila Nile ako lang yung babaeng malapit kay mr.Killer kaya siguro naisip nyang mahal nya ko pero di naman pala.

O kaya naman ako pala tong may akala na gusto ko sya kasi sya lang naman yung lalaking hinayaang kong makapasok sa buhay ko ng mas malalim pa sa kaibigan.

Mababaliw na ko kaiisip... mababaliw na ko sa bigat ng nararamdaman ko. Baliw na yata ako gusto ko syang makita pero sabi naman ng utak ko wag na kasi masasanay naman akong wala sila tulad ng dati. Pati sila tol Red at tol Yrvin di rin ako nagpaparamdam. Late akong pumapasok at pag uwian naman umaalis ako kaagad para di na nila ako macorner. Ilang beses na silang pumunta dito sa bahay pero di ako lumalabas. Lahat ng text at calls nila hindi ko sinasagot.

I know makasarili ako dahil sa ginagawa ko dahil di ko naman dapat idamay ang mga bestfriend ko pero ito ako damay damay na ang lahat. Tanging si Charlie lang ang bukod tanging kinakausap ko sa lahat ng kaibigan ko.

Ano na lang kaya ang magiging grades ko nito more than a month na lang graduation na. Feeling ko napaka walang kwenta kong president, laging 'missing in action' sa lahat.

Dahil naisip kong malapit na ang graduation kailangan kong maging valedictorian kaya naman naisipan kong pumasok sa afternoon class ko. Pero bago pa ako mapasok sa gate ng campus namin may nakita akong hindi kaaya aya sa mata.

Bwisit ka!!! Sira ulo ka! Pa fall kang killer ka!

Hindi lang ako nagpakita ng ilang araw may iba ka ng pinopormahan. Yan pa talagang epal na Negan na yan at wow as in wow lang talaga. Ako ito halos mapabayaan ko na yung grades ko dahil na papraning ako sayo tapos ikaw...

Yang babaeng yan na pala pinagkaka abalahan mo akala ko pa naman mami- miss mo ako tapos makikita kita dito sa campus ko which is my teritorry na nakikipag kita jan kay Megan. Edi wow! May pasundo sundo ka pa. So may date pala kayo ngayon. Sana naman wag nyo ng ipamukha sa akin. I hate you! I hate you! I really really hate you mr.killer! Kala ko pa naman iba ka.

"Hoy Gorgeous Vera Becum tapatin mo nga ako bakit ba iniiwasan mo kami" mataray ni tanong ng isang babae sa likod ko na alam kong si tol Red. Hindi ko namalayan ang paglapit nya mula sa likuran ko. Pagharap ko sa kanya...

"Oh my! Bakit ka umiiyak jan... tinatanong lang naman kita" hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Bigla ko na lang niyakap si tol Red kailangan ko ngayon ng shoulder to cry on. Niyakap naman ako ng mahigpit ni tol kaya mas lalo pa akong naiyak. I felt guilt inside my heart. Mali ako ng iwasan ko ang mga kaibigan ko.

"Tahan ka na! Baka sabihin ng iba ako ang nagpaiyak sayo. Ano ba kasi ang nanyari?" sambit ni Tol habang naka akap pa rin sa akin habang hinahagod ang likod ko.

"Si Khei... tama ba?" tanong ni tol. Paano nyang nalaman ganoon na ba ako kahalata sa nararamdaman ko?

Nag node na lang ako bilang sagot.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon