Chapter 25: Confusing Confession @____@

189 7 4
                                    

-Vera's POV-

Lunch break na din sa wakas!
Super gutom na ako parang kaya kong ubusin lahat ng cakes and chocolate na available sa cafeteria.

Sa sobrang daming quiz, sumasakit na ang ulo at dagdag pa sa iniisip ko si...

Nevermind! Iniiwasan ko na nga diba?

"Oh eem!!! Diba yan si Tiber ng basket ball team ng Hana University?"

"Yung magaling mag basket ball?!!!"

"Charlie Drew Tiber waaaah!!!"

"Ano naman ginawa nya dito"

"GRABBBBEEE ANG HOT NYA!!!"

"Baka may nililigawan dito?"

"Wahhhhaaaaaaa!! Marry me then I die!!!"

"Oh my gulay!!! He's so yummy!!!"

"The hell he's funking handsome"

"Marry me"

"I love you Tiber"

"Wahhhhhhh!!!!"

Mga walang magandang magawa sa buhay, wala ba silang alam gawin kung di ang tumili!!!

Kung sa cafeteria kayo nag ingay ng ganyan ihahapas ko sa inyo yung lamesa doon.

Bigla na lang may humila sa akin, lagi na lang bang ganito kundi ako kakaladkarin hihilahin naman ako, nakaka inis na.

"Nandito ka lang pala" sabi ng isang nilalang na nanghila sa akin at kinaladkad na naman ako, kung saan kami pupunta di ko alam.

"Oh my! Sila ba?"

"Si Vera na naman."

"Sa kanya na nga si Prince Khei"

"Tama!! Nakakainis na sya."

"Ano bang meron sa kanya"

"Lahat ng wala sa inyo" nagulat na lang ako ng huminto siya kaya medyo tumama ako sa likod nya, mas lalo pa akong nagulat sa sinabi nya, ganun din yung mga babaeng pinag uusapan kami.

Sinimulan na naman nya akong kaladkarin at naiwan yung mga fan girl nyang tulala parang inagawan ng chocolate at any moment iiyak na. Nga nga silang lahat.

Dinala nya ako sa rooftop ng school namin.

"Anong meron dito" tanong ko

"Madami." sagot nya

"Ano naman?"tanong ko

"Magandang tanawin, preskong hangin at tahimik na kapaligiran" sabi nya. Baliw!

"Tara munang kumain at nagugutom na ako" dagdag pa nya habang hinihimas ang kanyang tiyan.

"Adik ka rin no. Dapat kumain muna tayo sa cafeteria bago umakyat dito ang hirap kayang umakyat baba ng hagdan" reklamo ko

"Kaya nga tayo umakyat dito para kumain" paliwanag nya.

"At kelan pa nagkaroon ng cafeteria dito sa rooftop" sarkastiko kong tanong

"Sa cafetria lang ba may pagkain pwede naman magbaon diba" sabi nya at inilabas ang isang baunan sa kanyang backpack.

"Tsaran!!! Isang baunan na puno sa sustansya" sabi nya habang pinakikita sa akin

"Saan mo yan nabili ang ganda ng pagkaka ayos at mukhang masarap" tanong ko

"Ako ang nagluto at nag prepara nyan" sabi nya

"Weh? Di nga? For real" di maka paniwalang tanong ko

"For real, ginawan nga din kita oh" sabi nya at nilabas ang isang pang baunan

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon