Chapter 23: I'm Gonna Die

250 10 1
                                    

"Vera dear may bisita ka" sabi ni momsky. Talagang ginising pa ko ng bongang bonga at sgad ang ngiti.

"Momsky sino ba yan at ganyan ang itsura mo"

"Si Khei! Di man lang sinabi na may date pala kayo. Dalaga na talaga ang anak ko"

Wait tama ba ang rinig ko? DATE? AS in DAT!!!?WHAT!

"Bilisan mo at mag ayos kana. Paganda ka!" sabi ni momsky na halatang excited. Di naman ako pumayag dun sa date.

After few minutes tapos na akong mag ayos. Di ako masyadong nagpaganda at baka isipin pa nitong si mr. Killer na nagpapaganda pa ako para sa kanya. Ayoko din kasing mag tagal sa pag aayos alam nyo naman si momsky baka mamaya kung anu ano pa sabihin kay mr.killer. Baka mamaya naibenta na pala ako ng di ko alam. Botong boto yun doon sa lalaking yun.  (>______<)

"Sabi sayo Khei ang ganda talaga ng anak ko" sabi ni momsky ng makita nya akong pababa ng hagdan

"She's Gorgeous" sabi ni mr.killer na mukha tanga... mukhang wala sa sarili.  Weirdo!

"Oh sya tama na yan at baka matunaw na ang anak ko. Lumakad na kayo ng mahaba haba ang oras nyo" sabi ni momsky, bigla tuloy nag blush si mr.killer at yumuko. Ang cute nya! Did I say cute. I'm just kidding. >/////<

Itsura ni mr.killer, mukhang napahiya sa sinabi ni momsky.

"Dali na ng masolo nyo ang isa't isa" sabi ni momsky at kinaladkad na kami ni mr.killer palabas ng bahay. Daig pa namin ang pinagtabuyan.

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan at mukhang tanga talaga ngayon si mr.Killer... aligagang aligaga

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Sa Amusement park" sabi nya ^_____^. Weirdo talaga sya ngayon. Nakita ko lang kasi yung ganyan nyang ngiti nung pumunta kami sa House of Angels pero mas okey na yan kaysa sa sobrang seryoso at parang di uso ang pag ngiti.

Nakarating din kami sa Amusement park talagang gusto ko ditong pumunta dahil sobrang dalang lang talaga ako makapunta dito. Wala kasi akong kasama kung pupunta man ako dito, ayoko namang maglibot dito ng ako lang. Loner? Nung grade six yata ang huling punta ko dito, kasama ko nun si tol Red at Yrvin. Mula nun di na ulit.

"Cotton candy" sabi ni mr.killer sabay abot sakin nun. Eto talaga ang unang una kong ginagawa pagpupunta kami ito. Bibili ng coton candy at sasakay sa...

"Sakay tayo sa Carousel" paano nya nalaman yun. Sure syang sasakay sya doon. Si tol Yrvin kasi ayaw na ayaw sumasakay dun kasi pambata lang daw yun. Elementary pa kami nun ah ngayon fourth year highschool na kami di kaya yun awkward para sa kanya kasi diba lalaki sya.

"Sigurado ka" tanong ko, ngumiti lang sya

"Basta gusto mo" sabi nya, ewan ko ba bigla na lang akong sumaya.

"Ano nginingiti ngiti mo jan, wala pa nga akong ginagawa kinikilig ka na" sabi nya, kahit kailan talaga panira ng moment tong kumag na to eh. ASA!

Sumakay kami sa Carousel, ang saya saya talaga dito.

"Waaah!!"

"Ang gwapooooo!!"

"Kyaaaaah"

"Ang gwapo"

"Ang hot nya"

"Kyaah"

Mula nang sumakay kami ni mr.Killer hiyaw na ng hiyaw yang mga yan nakaka inis. Diba sumasakit lalamunan nila? imbis na magenjoy ako sa pag sakay sa Carousel nabubwisit lang ako ang ingay. Nakita lang si mr.Killer sigawan na agad. Nakaka inis!

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon