- Vera's POV -
"Clumsy!!"
Parang kilala ko yung boses na yon
"Clumsy!!!"
Parang kilala ko talaga yung boses na yon. Saan ko nga ba na rinig yon. Clumsy? Ako clumsy?
"Clumsy!!!"
This time hinanap ko na kung saan nagmumula yung tinig.
"Mr. Killer" sigaw ko.
"mr. Killer?" naguguluhang sabi ni mr. Killer. Lumingon sya sa likod, Kaliwa at kanan nya pero walang ibang tao doon kundi sya.
"You heard me right, wag ka nang lumingon jan sa likod dahil ikaw yun at wala ng iba pa, dahil muntik muna akong mapatay so it means killer ka" sabi ko
"Childish" bulong ni mr. Killer
"Correction I'm not clumsy" sabi ko
"The first time I met you ang sabi mo nadapa ka kaya muntik ka ng masagasaan at kaya ka nakakalat sa gitna ng daan, then the second time nabangga mo naman ako, clumsy!" sabi ni mr.Killer
"Bakit nandito ka?"pagbabago ko sa topic pikon na ko. I know clumsy ako pero hindi naman kailangan ipagkalandakan at ipamukha sa akin.
"Pinapunta mo ako" casual nyang sabi
Ako? Pinapunta sya dito? Bakit?
Mukhang nabasa nya ang nasa isip ko...
"Diba ngayon tayo naka schedule na mamili ng materials at ang gusto mo... tayo ang bibili personally. Pwede naman sana yung mga maids ko ang utusan natin pero ayaw mo kahit man lang sana isa para taga bitbit" sabi nya
Oh to the Em to the Gee!!! Nakalimutan ko!!!
=Flashback=
"Saturday this week pumunta tayo sa Mall mamili tayo ng mga kakailanganin. Bawal ang maids, assistant, P.A kahit sinong alalay bawal" sabi ko
"May gagawin ako at mas importante yon" sabi ni mr.Killer. Wow parang sya lang ang busy ako din no.
"Mas importante? Alam mo bang mas madami akong importanteng gagawin but I set it aside coz I am the president. I need to do my duty dapat maging perfect ang lahat, sa atin nakasalalay ang lahat. Wag mo iasa sa maid mo lahat, Tuesday 9am and that is FINAL. Kita nalang tayo dito sa school" sabi ko
=End of flashback=
Ngayon nga pala yon. Ano bayan Vera, paano sila Yrvin at Red? Ngayon din naka schedule yung bonding time namin at dito rin ang meeting place namin. What a life!
*ting (tunog ng cellpone ko)
message from Yrvin
[ Vera pupunta pala kami sa boracay with my family, sorry ngayon ko lang din kasi nalaman nagkayayaan lang kasi. Sorry talaga bawi ako next time. ]
*ting
message from Red
[ Tol sorry I can't make it. I'm not feeling well. Enjoy kayo ni tol Yrvin ]
Kanina pa siguro nila itong text. Ngayon ko lang na recieve. Wala kasi ako kaninang signal.
~~~~
OTW sa MOA
Ano ba itong si mr.killer ka arte ayaw pa mag commute ang saya kaya sumakay sa jeep, eh ano kung my kotse sya? Poor mr.Killer walang ka thrill thrill sa buhay, ako nga tumatakas pa sa driver para sumakay sa jeep, tricycle at pedicab yeah nasubukan ko nang sumakay sa pedicab believe it or not yun yung pinaka na enjoy ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Novela JuvenilGorgeous Vera H. Becum isang babaeng ayaw madikit at makihalubilo sa mga lalaki dahil sa kanyang pinagdaanan habang siya ay lumalaki. Ngunit nagbago ang lahat ng makilala nya ang isang lalaking muntik ng makapatay sa kanya. Maari bang baguhin ng isa...