Chapter 4: Gossip

410 12 0
                                        

- Vera's POV -

"Good morning mga tol sorry hindi ako nakasamang mag mall" sabi ni Red

"Hindi ka din naka punta" tanong ni Yrvin

"Nagkasakit kasi ako... bakit ikaw hindi ka din nakapunta?" gulat na tanong ni tol Red kay Yrvin

"Hindi nga rin kasi nagkaroon kami ng biglaang family outing" sabi ni tol Yrvin

"Hindi ikaw yung sinasabi nilang date ni tol Vera" gulat na gulat nyang sabi. Ako? may date?

"Ano si gorge may ka date? Wow bago yata yon" sabi ni Yrvin bakas ang pagkagulat. Sabay silang napatingin sa akin.

"Sino yon?" sabay nilang tanong with a serious face

"Saan mo naman napulot yang tsismis na yan ha Redrich" pagtataray ko

"Tinatanong pa ba yon... edi sa dakilang tsismosang si Apple. Ang sweet nyo pa nga daw eh" sabi ni Red

"Si Gorge naglelevel up" pang aasar ni Yrvin

"Sweeeet!?" naguguluhan kong tanong

"Super sweet as in lalanggamin ka. Buhat ka daw ni guy hanggang sa kotse... kilig overload" kinikilig pang kwento ni tol Red ang sarap kuryentihin ng may mangisay pa sya.

"Yun ba natapilok kasi ako kaya hirap ako mag lakad kaya binuhat nya ako. Ano ang sweet doon? Remember mr. Killer ha Red, bumabawi lang siguro sya kaya ganun tinulungan nya ako" paliwanag ko

"Si Mr. Killer pala ang kasama mo bakit naman kayo magkasama? I need an explanation" Tanong ni Red habang naka cross arm pa.

"Bumili lang kami ng mga materials para sa ball" sabi ko

"Sino naman yung Mr. Killer ha? May nagtangka ba sa buhay nyo" tanong ni Yrvin

"Long story tol"sabi ni Red

"Then make it short" sabi pa ni Yrvin
Ikinuwento ko sa kanya lahat kung bakit ko sya tinawag na killer.

"Hahaha adik ka talaga tol Gorge hindi nya naman pala kasalanan, parang gusto ko tuloy makilala yang lalaking yan"sabi ni Yrvin

"Pati ba naman ikaw ganyan amg comment. Mag sama kayo ni tol Red" sabi ko, hindi ko naman kasi kasalanan yon meaning kasalanan yun ni mr.Killer

"Totoo naman kasi tol kahit saang angulo mo tignan hindi nya kasalanan" sabi ni red, kaibigan ko ba talaga ito.

I'ts not my fault, its mr. Killer fault period.

"CR lang ako mga tol" paalam ni Yrvin

"Bakit nga pala si mr.Killer ang kasama mong namili sa MOA" usisa ni tol Red. Nakalimutan ko pa lang ikuwento sa kanya.

"Sya lang naman ang SC president ng Lauren high" sabi ko

"hahahaha" bigla na lang tumawa itong si Tol Red parang timang.

"Ano naman tinatawa tawa mo ha tol Red" tanong ko

"Ibig sabihin lang lagi mo na sya makikita"sabi ni Red

"What do you mean??" tanong ko

"Wala naman. Small and round world. Si pareng tadhana na ang bahala hahaha" sabi ni Red. Ako pa ba ang kausap nito o may nakikita syang hindi ko nakikita.



- Red's POV -

Gwapo kaya yung tinatawag ni tol Vera na Mr. Killer first time in history kasi na tumagal si tol na may kasamang lalaki at sila lang dalawa ,syempre except kay Yrvin bbf namin yun eh. Baka ma discover na ni tol ang bagong mundo kabilang ang mga lalaki. Baka na fall na itong si tol kay mr. Killer unexpectedly kaya ang tol kong may pagka manhid sa mga lalaki maari ding mag mahal, hahaha, aabangan ko kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila. I'm so excited makita si tol na may love life, NBSB pa kasi si tol at never pang nagka crush, tingin nyo normal pa ba sya parang hindi no, FYI hindi Lesbian si tol ah, imposible yun super arte kaya non as in super girly yun. Popular si tol dito sa campus, isa sya sa pinaka maganda. Madami syang suitor, stalker at meron din syang haters, mga insecure siguro sa beauty ni tol. Itong si tol hindi makatagal ng may kausap na lalaki na iirita sya at hindi comfortable. Lumaki kasi sya na dalawa lang sila ni tita Bella kaya siguro ganon, kulang sya sa pagmamahal ng isang ama. Ang gusto namin ni tol Yrvin ay buksan nya ang pinto para sa mga lalaki hindi ko naman sinasabing mag asawa na sya... ang gusto ko lang ay masanay na sya na makisama at makihalubilo sa mga lalaki kasi kung ikakahon nya ang sarili nya ay parang nilimitahan na nya ang kakayanan niya at oportunidad na darating sa buhay nya. Fourth year high school na kami and within a short period of time... welcome college life na ang drama namin after college welcome to realworld, where boys and men are there.

Do you get my point? Concern lang ako sa BFF ko.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon