-Vera's POV-One week na lang at graduation na namin, goodbye high school life na. Same day ang graduation namin ni mr.killer.
Nandito kami ni mr.Killer sa Mall to spend some quality time with each other. May Date kami, okey. Manood sana kami sa Cine kaso may nakita akong di kaaya aya sa mata. Well, nakita ko lang naman si Megan may kasama sya pero hindi ko nakita ang mukha, manonod din siguro sila.
Dahil ayokong masira ang araw ko ay di na lang kami tumuloy. Inaya ko na lang si mr. Killer sa food court para magfood trip na lang kami. Dahil medyo kakaiba itong si mr.Killer first time nyang kumain dito sa food court. Sa mga mamahaling restaurant lang siguro sya kumakain. Thanks to me, nagiging tao na sya.
Kami nila tol Red at Yrvin madalas kami dito. Ano pa nga ba ang hahanapin mo eh nandito na lahat ng hanap mo. Sa bandang gitna kami pumwesto. Bumili ako ng siomai, foodlong, pizza, hotdogs, shawarma, ice cream at madami pang iba. Yung mga pagkaing alam kong di madalas makain ni mr.Killer at yung alam kong di pa nya nasusubukang kainin. Punong puno nga yung table namin hahaha mukha kami isang linggo di kumain.
Nagpunta kami sa arcade pagkatapos namin kumain. Nag eenjoy talaga ako sa pag shu-shoot ng bola, pataasan kami ng score ni mr.Killer. Nakalimutan kong player pala sya ng school nila sa basketball. Talo ako. Halos dalawang oras yata kami sa arcade at nakaramdam na naman ako ng pagwewelga sa tiyan ko. Nagugutom na naman ako. Gusto daw ni mr.Killer ng seafoods kaya sa isang seafood restaurant kami kumain.
-Khei's POV-
"Vera... anak!" sabi ng isang boses ng isang lalaki mula sa likuran ko. Si clumsy naman biglang naibagsak ang hawak nyang baso kaya nabasag iyon at gumawa iyon ng ingay. Pagtingin ko sa kanya tulala lang siya at parang nakakita ng multo. Tinignan ko kung sino ang tinitignan nya. Nakita ko lang naman si mr. Jordon Becum. Ito ang ayaw mangyari ni tita Bella at Red dahil baka daw hindi maging maganda ito para kay Clumsy. Sa nakikita ko nga mukhang tama sila. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil naninigas na sya sa kanyang kinauupuan at nanginginig din ang kanyang kalamnan.
-Vera's POV-
"Gorgeous" sabi ni mr.killer at hinawakan nya ang kamay ko na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Take me out of here" parang walang lumalabas sa tinig sa bibig ko. Any moment parang bibigay na ako at mawawalan ng malay. Dali namang tumayo si mr.Killer at inalalayan akong maglakad.
Hindi ko alam kung bakit nakita ko pa siya. Matagal ko na syang binura sa isip at sa buhay ko. Bakit kung kailan nakaka move on na ako sa traumang dinala nya sa pagkatao ko tsaka sya babalik?
"Nasaan tayo?" tanong ko kay mr.Killer. Hindi ko na malayang bumyahe na kami, sa dami kong iniisip hindi ko alam kung saan ako dinala ni mr.Killer.
"Amusement park"
"Bakit? Anong ginagawa natin dito?"
"Hindi ko alam kung saan kita dadalhin... mukhang ang dami dami mong iniisip kaya naisip kong dalhin ka dito para malibang at marelax. Isigaw mo lang yan" sabi nya. Halatang nag aalala sya sa akin.
Sasabihin ko ba sa kanya kung bakit at kung sino yung lalaking yon. Paano kung magbago ang tingin nya sa akin at maturn-off sya sa akin? Matatangap kaya nya ako pag nalaman nya ang totoo? Mahal pa din nya kaya ako kung malaman nyang ang tungkol sa kento ng buhay ko ay isa lang talagang kwentong ginawa ko.
"Tara sa roller coaster" yaya sa akin ni mr.Killer. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad.
Tama si mr.Killer kahit paano nakalimot ako kahit sandali. Sa tuwing sumisigaw ako gumagaan ang pakiramdam ko. Madami pa kaming sinakyan na rides at nag enjoy talaga ako. Pangalawang beses na namin na magkasama dito ngayon.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionGorgeous Vera H. Becum isang babaeng ayaw madikit at makihalubilo sa mga lalaki dahil sa kanyang pinagdaanan habang siya ay lumalaki. Ngunit nagbago ang lahat ng makilala nya ang isang lalaking muntik ng makapatay sa kanya. Maari bang baguhin ng isa...