Chapter 29: Yes! No! Maybe!

137 2 1
                                    

-Khei's POV-

*Wang wang calling

"Everything set?" tanong ko.

[Syempre naman couz, ako pa? Tsaka kasama ko ang buong tropa.]

"Siguraduhin nyong hindi yan papalpak"

[Hehe we will try our very best para di to pumalpak... tsaka nanjan ka naman para ayusin pag pumalpak tong plano ko.]

"Ano nakumbinsi mo na ba?"

[Wow! Couz atat lang. On the way palang ako papunta sa kanila. Trust me Couz hindi ko sya tatantanan. Kung ayaw nya sumama sa akin edi we will go to plan B na si Redrich ang yayaya sa kanyang lumabas. Sana nga lang dumating na sya. Chill ka lang]

"Pag ikaw nadulas dahil jan sa kaingayan mo. Nasaan ba si Red?"

[Nasa Cebu may business meeting kaya idol ko yun. Emergency meeting daw. Biruin mo kasing edad lang natin sya pero hands on na sya sa bussiness parang ikaw. Parating na din yun kaya don't worry be happy jollibee.]

"Wang wang iwasan mo yang kadaldalan mo pagkaharap mo na si Clumsy. Baka mawala ang essence ng surprise ko"

[Wala pa nga... daldal agad agad. Couz naman kahit madaldal ako hindi ko naman ichichika yung plano, atin atin lang yun. Isa pa, ilalaglag pa ba kita baka itakwil mo pa ko pag di to natuloy o kaya naman mawala yung ESSENCE dahil sa kadaldalan ko. Alam mo namang ikaw ang pinaka favorite kong pinsan.]

"I count on you wang wang."

[Basta para sa ikaliligaya ng iyong kalooban, puso, atay at balunbalunan. Bye Couz. Update kita later!]

"Bye"

Nakakakaba two weeks kaming hindi nagkita at eto ngayon hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Kaba, excitement, kaba, tuwa, saya, kaba naghalo halo na. Excited akong makita si Clumsy dahil ilang linggo ko na syang di nakikita at nakakausap. Tuwa at saya dahil tapos na ang dalawang linggo nyang hiningi sa akin. Kaba dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip at naisip nya sa dalawang linggo naming di pagkikita, dagdag pa yung nakita nya kami ni ms. Zafra. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip nya ngayon.

-Candice POV-

Nandito ako sa bahay nila Vera para pilitin syang samahan ako sa Villa nila Nile. Doon kasi napili ni Couz mag set up ng surprise para dito kay Vera. Bahala na si Batman, Superman, Ironman at lahat ng member ng Justice League sana makumbinsi ko sya para sa ikaliligaya ni Couz. Ngayon ko lang kasi nakitang masaya tong sumpungin kong pinsan na parating ng nakangiti mukha na nga syang retarded, marinig lang ang word na Clumsy o kaya naman Gorgeous hanep sa bilis magbago ng mood parang timang.

"Hi Candice" bati sa akin ni Vera habang pababa ng hagdan.

"Hi Vera! Long time no see" bati ko din sa kanya. Habang nakikipag beso beso sa kanya

"What's bring you here?" tanong nya. Waaahh!! Di ko alam kung paano ko sisimulan.

"Hmmm binibisita ka ang tagal na kasi kitang di nakikita." panimula ko. Nice start parang gusto kong kamayan ang sarili ko dahil napaka brainy ko hahaha

"Pagkatapos kasi nung nangyari sa party di ka na nagparamdam pati si Couz laging wala sa mood napakasuplado. Yung mga schoolmate nga nya sobrang takot sa kanya. Sabi din sa akin ni Kyle di ka na daw pumupunta sa campus nila, di ka din daw nila nakikita at nakakasabay kumain paglunch break. Feeling nga nila iniiwasan mo sila dahil nga dun sa nangyari nung party. Tingin nila sila ang sinisisi mo kung bakit napahiya ka that time" pagtutuloy ko sa drama ko. Oh my God mali yata ang nasabi ko. Ang daldal ko kasi. Lagot ako nito kay Couz.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon