Chapter 9: Competition

323 10 1
                                        

- Vera's POV' -

Nung last day namin sa mansion ni mr.Killer tinuruan nya ako sa history. Remember may sasalihan akong competition sa history at may deal kami ni mr.Killer na magiging tutor ko sya kapag tinulungan ko sa project nila.

Hindi naman sya nahirapan magtutor sakin...fast learner yata ako. I just scan my books and his notes. Nagtanungan lang kami pati sila tol Yrvin nakisali na din sa pagtatanong para mapraktis ako.

Eto na ang araw ng competition sa Harry academy gaganapin yung competition. Isang international school.

Nandito na ko sa may Harry Academy nakatambay sa bleacher. Sobrang ganda dito super luwang, ang daming pwedeng pagtambayan. Hinihintay ko ang pagdating ng magaling kong teacher na si Tweetybird. Maaga ang usapan namin napag punta dito. Till now wala pa sya, pilipino time nga naman. 30 minutes late na sya sa usapan namin.

"Excuse me miss, pwede maki upo" tanong sa akin ng isang babae. Mukha naman siyang mabait. ^__^

"Sige okey lang" sagot ko

Ang cute naman nya. Hindi sya masyadong matakangkad. Ang amo ng mukha at simple lang sya walang make up, lipgloss lang. Perfect!

"Ano nga pala name mo? Ako nga pala si Candice Song" pakilala nya

"I'm Gorgeous Vera Becum nice to meet you" sabi ko at nakipagkamay ako sa kanya

"Familiar yung pangalan mo pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig" sabi nya na parang nag iisip ng malalim

"Kasali ka din ba sa competition?" tanong ko sa kanya

"Sa History ako lalaban, ikaw saan ka?" sabi nya

"Sa history din"

"Wow magkalaban pala tayo. Good luck sa ating dalawa, be the best girl win!" sabi nya ^__^

Wow naman I want to salute her, napaka sports naman nya, unlike to the other na pagkalaban nag iiwasan.

"May the best win"

"Friends!" sabi nya

"Friends!" at ngitian ko sya

Napaka friendly naman nya. Nag kwentuhan lang kami ng kung ano ano. After 1 hour dumating din si tweety, nag ready na ako at malapit na magsimula ang contest. Naiwan sa bleacher si Candice may hihintayin pa daw sya.

History chicken lang ang dali dali ng mga tanong. Sa huli kami nalang ni Candice ang na tirang maglaban. Magaling sya pero mas magaling ako, umabot ng isang oras yung labanan namin kasi laging tie. Mahigpit na mahigpit ang laban namin. Papatalo ba naman ako syempre naman hindi. Sa huli ako pa din ang nagwagi. Lumapit sa akin si Candice

"Congrats" bati nya sa akin. Feeling close? My pa hug pang nalalaman with matching beso. Nakakatuwa naman sya. I like this girl, correction I'm not lesbian. I like her as a friend

"Akala ko nga hangang bukas pa tayo maglalaban. Ang higpit kasi ng laban natin. Nag enjoy ako." sabi ko

"Tarang kumain na stress ako sa laban" sabi ni Candice
Pareho pa kami na sa pagkain binubuhos ang stress.

"Sure"

"Ayos lang ba kung isama ko yung mga kaibigan ko at pinsan ko. I want you to meet my friends and lalo na yung pinsan ko, gusto kong makilala mo sya ok lang ba?" tanong nya sa akin

"Why not" okey lang naman siguro mga girl naman siguro yun.

- Candice POV -

Nandito kami ni Vera sa isang icecream parlor. Favorite ko dito masarap kasi yung icecream nila may iba't ibang flavors at topings.

Ang tagal naman ng mga ugok na yun, sabi malapit na daw sila. Tagal! I'm so inip na favorite din nila dito tumambay.

"Vera ano ang gusto mong flavor"

"Chocolate!" sabi nya parang nag spark pa yung mata nya

"Toppings?"

"chocoballs" hindi naman obvious na favorite nya ang chocolates. Right after nung quiz bee kumain agad sya ng chocolates. Nung nasa kotse na kami chocolates pa din pati icecream chocolate pa din.

Kadarating lang ng order namin ng dumating ang mga ugok kong kaibigan at pinsan

"Couz!!" tawag ko sabay kaway sa kanya

- Vera's POV -

"Couz" sigaw ni Candice

"Ang ingay mo talaga Wang wang" sabi ng pamilyar na boses, naramdaman ko na nasa likod ko sila. Busy ako sa pagkain ng icecream super sarap kaya dedma lang ako. Wala akong time tignan kung sino sila.

"Sino naman yang kasama mo?"

"Nga pala meet Gorgeous Vera" pakilala sa akin ni Candice, busy pa din ako sa ice cream ko.

"And Vera meet my boyfriend, my pinsan, and my ugok friends"

"Si Dollie yan?"

"Dollie?" bulong ko, paglingon ko si

"Mao, Kyle, Nile at Mr.killer." sabi ko. Bakit nandito sila.

"Magkakakilala kayo!? Tama ba yung narinig ko mr.Killer ang tawag mo kay Couz?" gulat na tanong ni Candice.

"Pinsan mo si mr.killer" medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya naman na lingon sa amin yung nasa ibang table.

"mr.Killer nga ang tawag mo kay Couz! Why?" tanong nya

"Pwede pa upuin mo muna kami" sabi ni Mao

"Boyfriend mo si Mao? Hoy Mao wala ka man lang kinukwentong may girlfriend ka" sabi ko kay Mao

"Hindi ako, si Kyle" sabi ni Mao

"Umupo na nga kayo" Tumabi sa kanya si Kyle at nagbeso beso pa sila. Nag order na din sila ng icecream nila.

"Kaya pala familiar ang name mo at mukha mo... Ikaw yung napanood ko sa youtube ang ganda ng boses mo at ikaw yung kalaban ni Couz napataasan ng views sa youtube right" sabi ni Candice

"Pwede ba hinaan mo ang boses mo. Ang sakit sa tenga" reklamo ni mr.Killer

"Mhine si Couz oh, pinapagalitan ako" pagsusumbong nya kay Kyle
Ang cute nilang tignan, parang yung mga couples lang na napapanuod ko sa korean movies. Bagay talaga sila, matangkad si Kyle at si Candice naman hangang dibdib lang ni Kyle, bagay na bagay.

- Vera's POV -

Nagkwentuhan lang kami ng kung anU ano habang kumakain ng icecream. Nalaman ko na favorite pala nila ang Ice cream. Sumali din pala silang apat sa Contest.

Si Mao sa math.
Si Nile sa english.
Si Kyle sa music.
Si mr.Killer sa physics.

Lahat sila nanalo syempre pati ako. Kung di lang ako sinali ni Tweety sa history malamang sa physics ako lumaban, sana magkalaban kami ni mr.killer at ako ang winner dun hindi sya. Kung nandito si tol Red sya yung lalaban sa english magkalaban sana sila ni Nile. Ewan ko kung ano mangyayari sa laban nila. You know may something sa dalawang yun. Baka may magpaubaya for the sake of love. ^__^

Wang wang ang tawag ni mr.Killer kay Candice super ingay daw kasi, pansin ko nga din.

Nalaman ko din na since grade 6 mag bf/gf na sila Kyle at Candice. Ang bata pa nila that time para pumasok sa isang relasyon pero eto sila going stronger pa ang relationship.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Si Candice Song yung nasa picture.

Thanks for reading this.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon