-Vera's POV-
Kasama ko ang Kurimao at si Candice ngayon nandito sila sa bahay para pagplanuhan ang balak naming bakasyon sa Baler, Aurora. Wala si tol Red at Yrvin pareho silang busy. Sa totoo lang sobrang dalang ko na lang makita si tol Yrvin laging nasa vacation.
"Bakit ba di maipinta yang mukha mo ha? Nile." tanong ni Mao. Pansin ko nga din ang tahimik nya at iba ang aura nya ngayon. Mukha namang wala siyang sakit.
"Hindi ka naman kasi pintor para maipinta itong gwapo kong mukha" sabi ni Nile
"Noong isang linggo kasi hindi man lang nya makita kitong si Red at parating busy" Sabi ni Kyle
"Bakit nga ba? Vera ano ba pinagkakaabalahan nya?" tanong ni Nile
"Hindi ko din alam. Akala ko naman magkasama kayo or nasa bussiness trip sya kaya hindi ko sya makontak" sagot ko
"Hangang ngayon nga di pa sya nagpaparamdam" dagdag ko pa
"May problema ba kayo? I mean baka naman mayroon kayong di napagkasunduan?" tanong ni Khei. Nagisip naman ng mabuti si Nile. Mukha talagang seryoso sya sa pag iisip at nakakunot pa ang noo habang nakahawak sa baba.
"Wala akong maisip" sabi naman ni Nile
"Maayos naman kami nung huli kaming nagkita at wala kaming pinagtalunan as in wala talaga" dagdag pa nya.
"Baka naman busy lang sya sa paghandle ng bussiness nila" sabi ni Mao
"Oh my!!! Baka naman kailangan na nating umisip ng plano. Ano ba maganda itawag sa plan natin. Ah alam ko na "operation Search for love" sabi ni Candice
"Tumigil ka nga wang wang" suway ni Khei
"wag kang ganyan wifey" sabi din ni Kyle
"ring!!! ring!!!"
"Si Red na ba yan?" tanong ni Mao. Tumango lang si Nile bilang sagot. Tumayo si Nile at lumayo ng kaunti sa aminpara sagutin ang tawag ni tol Red
"Ano? Saan daw sya?" tanong ko
"Nasa Macao at hindi daw sya makakasama sa atin sa Baler" malungkot na sabi ni Nile.
"Pero susubukan daw nyang humabol" dagdag pa ni Nile
"Wag kang magdrama jan at for sure dadating yang si tol" sabi ko. Kilala ko yang si tol matitiis ba naman kami nyan
"Stop this drama. We need to plan our trip to BALER, AURORA!!!! We need to enjoy, I mean we must enjoy" sabi pa ni Candice
"Tama si wifey, kailangan nating mag relax, mag unwind before entering college life" sabi ni Kyle
One week kami sa Baler at after Baler, trip naman naming mag camping somewhere wala pang lugar kung saan. Im so Excited!!!
-------
4:00 am kami umalis sa bahay. Kahit officially may something kami ni mr.killer na a-awkward pa din ako sa kanya kaya kay Candice ako tumabi imbis na sa kanya. Wrong move kasi mas awkward kasi super sweet nila Candice at kyle sa isat isa, ako na loner. Ang arrangement namin sa van sa driver seat si mang Hizon, sa shot gun seat si mang Efren (extra driver para naman may kapalitan si mang Hizon) next raw ako si candice at kyle. third raw si Mao, Nile at mr. killer bali nasa likod ko sya naka upo at ang sama ng tingin nya sakin. Nakakahalata siguro sya babawi na lang ako sa kanya mamaya.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionGorgeous Vera H. Becum isang babaeng ayaw madikit at makihalubilo sa mga lalaki dahil sa kanyang pinagdaanan habang siya ay lumalaki. Ngunit nagbago ang lahat ng makilala nya ang isang lalaking muntik ng makapatay sa kanya. Maari bang baguhin ng isa...