E L E V E N

9.9K 628 354
                                    

"Hoy Kokey anong nakain mo at naisip mo 'kong isama dito?" Natanong mo bigla habang tinatatakan kayo sa entrance.

"Kokey?" Pagtaka niya at natawa ka dun.

"Oh bakit? Nagtaka ka pa eh kalahi mo yun. Or baka nga ikaw si Kokey in disguise." Natatawang sabi mo pa at nakitawa nalang din siya.

"Hmm, basta. I just thought of, well, going at the amusement park." Sabi niya habang naglalakad kayo.

"Really, huh? You're pretty childish." Comment mo.

"You think so?" Nagtatakang tanong niya.

"Mmm, oo." Sambit mo habang tumatango.

"Weird." Sabi niya.

"At bakit? After making Jollibee as our meeting place plus inaya mo pa ako dito. What do you expect me to conclude?" Napaiwas nalang siya ng tingin at tumawa.

Naweirdohan ka naman sa inaasta niya at nagshrug nalang.

Habang naglalakad kayo, nakuha ng atensyon mo yung mga cute na animal hats sa mga stores doon.

Walang pakundangang kinuha mo yung pink bunny hat at sinuot ito.

"Hi miss, 150 nalang po yan para sa inyo. Bagay po sa inyo." Nakangiting sabi nung tindera.

"150? Ang mahal naman?" Nakapout na sambit mo.

"Ano ka ba, that's pretty cheap." Bulong ni Vynce sayo.

"Tse, palibhasa nagsasalitang ATM ka. Bwisit." Bulong mo naman sa kanya.

"Magkano yung original price, miss?" Tanong niya.

"220 po, sir. Pero 150 nalang po sa girlfriend niyo." Nakangiting sabi nung tindera at tinignan ka.

Nawala naman bigla ngiti mo.

"Ay, jusko naman po for Earth's sake, hindi po ako napatol sa abno." Medyo nandidiring sambit mo pa at tinitigan ka ng masama ni Vynce.

"Abno? Wow, look who's talking." Naka-cross arms na sabi niya.

"Excuse me, just so you know isa't kalahating lamang kalawakan ka." Sambit mo pa at umirap.

"Ang cute niyo naman pong dalawa! Nagdedeny-an pa, sige miss libre ko na yung hat."Nagning-ning naman mata mo.

Alien's Disguise (ONGOING || REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon