T H I R T Y - F I V E

4K 373 1.3K
                                    

A/N: SERYOSO DI KO NA ALAM PINAGSUSULAT KO HAHAHAHA


***


"Pero yung bata, hindi."


Noong narinig nilang lahat yung balita ni V, lahat sila ay napatingin bigla kay Jimin.


Natural, siya ang amaㅡ ama nga ba...?


Hindi naman naka-imik si Jimin. Dinaan niya lang ito sa tawa.


"I guess that's it. Plan failed." Sambit nito nang nakangiti pa na halata namang paiyak na.


Di naman malaman ng iba kung anong dapat maramdaman. Kung dapat ba silang maawa dito o mainis.


Si Taehyung, obviously, inis pa rin dito. Pero sinusubukan lang nitong kumalma dahil nga kaka-recover niya lang.


Walang ano-ano ay pumasok si Jimin sa loob ng room.


Akma namang pipigilan siya ni V pero hinigit ni Namjoon ang braso niya.


"Taehyung, I think you should give Jimin a chance." Oo nga naman. Kawawa na si Jimin eh.


Gusto mang magalit ni V at magsalita pa, buntunghininga na lang lumabas sa bibig niya.


Buti naman at kahit papaano, marunong siyang magbaba ng pride.


Habang ikaw, nakahiga na kasalukuyang may malay na, nakatulala.


Dahan-dahang lumapit si Jimin sa 'yo.


Hindi mo ito tinignan o binati, pero aware kang nandyan siya.


Naramdaman mong hinawakan niya kamay mo.


Nanginginig siya habang hinahawakan ito.


Nakarinig ka ng hikbi.


Naramdaman mong may pumatak na luha sa kamay mo.


Maya-maya pa ay naramdaman mong sinandal niya ang ulo niya sa kamay mo na hawak hawak niya.


Puro hikbi naririnig mo galing sa kanya.


Habang ikaw, nakatulala pa rin, naluha na lang din.


Tahimik ka lang umiyak, dahil manhid ka na sa sakit.


"L-Lowen... s-sorry... sorry talaga." Narinig mong bulong nito at hirap huminga habang naka-yuko pa rin siya sa kamay mo.

Alien's Disguise (ONGOING || REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon