T H I R T Y

8K 476 1.4K
                                    

A/N: Yay, thirty. Du30. HEHEHE. OH MY GAHD HAPPY 100K READS! Guys baka hanggang 40 chapters lang to, idk. Bahala na.


By the way, revising para mas malinis at mas appropriate yung flow ng storya.


PS. SPG PO ITO.


***


7:58 AM


"HOY MAGSI-GISING NGA KAYO!" Halos nabulabog naman ang buong Manila Hotel dahil sa sigaw ni J-hope.


Iritang irita ang buong Bangtan sa sigaw niya. Malamang.


"Putangina mo para kang kabayong tumitilaok." Iritang saad ni Suga at nagtaklob ng kumot.


Napa-buntunghininga naman si Hoseok at napasigaw ulit. "ANO BA?! BABANGON KAYO O SISIPAIN KO KAYO ISA ISA?!"


"Ano ba kasing problema nitong hayop na 'to." Inis namang bumangon si Jin at nag-unat.


Isa isa namang nagsibangon ang mga members.


Si Taehyung naman, pagkamulat palang ng mata, nataranta na kaya instant na napabangon.


"Teka, asan si Lowen?" Tanong naman agad ni Taehyung noong di niya nakita si Lowen sa katabi niyang kama.


"AYUN NGA YUNG RASON BAKIT KO KAYO GINISING!" Sigaw naman ni Hoseok.


No chill ang kabayo niyo.


"Puta, hyung kumalma ka nga. Aga aga naghahasik ka ng lagim." Ginulo gulo pa ni Jungkook buhok niya sa inis.


Sinamaan nalang ng tingin ni Hoseok si Jungkook.


Kundi ka lang bata, pinatulan ka na niyan, Jungkook.


"Pero shit, si Lowen! Delikado nga daw lumabas ngayon diba? Tigas naman ng ulo noon." Napatayo naman agad si Jimin at nag-paikot ikot na sa kwarto para mag-isip ng plano.


"Alam ko saan siya hahanapin. Hays. Lowen talaga, ang kulit." Sambit ni Taehyung at napatayo na rin sabay derecho sa CR para maghilamos na.

Alien's Disguise (ONGOING || REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon