T W E N T Y - N I N E

6.7K 420 1.1K
                                    

Nakaramdam ka naman ng matinding galit, inis, lahat na ng emosyon.


Tila ba gusto mong sugurin si Max at pugutan ng ulo.


Ulo mismo sa baba para di na makabuntis.


Lahat naman ng members natahimik lang. Si Taehyung agad napalingon.


"Lowen..." Lumapit naman si Max sa'yo at sa di inaasahang pangyayari ay...


"PUTANGINA MO, TARANTADO KANG GAGO KA! WAG NA WAG MO 'KONG LALAPITAN LUMAYO KA PLEASE LANG, MAX!" Sigaw mo at sunod sunod na sumbat mo sa kanya habang pinaghahampas siya.


Oo, naiyak ka na habang pinaghahampas siya. Ganun din siya, naiyak si Max.


"Lowen, sorry. Please, patawarin mo 'ko." Nagcrack na boses ni Max doon at pinipilit na yakapin ka para tumahan ka.


Nagpumiglas ka naman sabay sinampal siya nang malutong.


Lahat ng BTS nashock dahil ang lakas ng impact ng pagkakasampal mo.


"MAX, SINIRA MO PAGKATAO KO. BUONG BUHAY KO. KINABUKASAN KO. LAHAT! SALAMAT HA? SALAMAT DAHIL SA'YO, SIRANG SIRA NA'KO. AYAW NA AYAW NA KITANG MAKITA. PLEASE LANG, MAX. PLEASE!" Talagang galit na galit ka kaya naman tumakbo na agad si Jungkook para awatin ka.


"Noona, ikalma mo lang. Baka madala ka masyado sa galit mo." Bulong ni Jungkook habang inilalayo ka kay Max.


Yung ibang members takang taka. Lalo na si V.


"Sorry, pero anong meron?" Bigla namang sumingit si Taehyung.


Shit.


Lagot.


Napalingon ka naman kay Taehyung.


Naiyak ka lang. As in iyak nalang nagawa mo habang nakatingin sa kanya.


Sa isip mo, gusto mo nalang mamatay wag mo lang makita kung anong susunod na mangyayari.


"Lowen, may kailangan ba akong malaman?" Tanong ni Taehyung at seryoso siya doon.


Lalo ka nalang naiyak.


Umiling ka naman habang naiyak.

Alien's Disguise (ONGOING || REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon