T H I R T Y - S E V E N

3.5K 290 432
                                    

A/N: Naiirita ako gusto kong idelete tong story ko kasi ang pangit at boring talaga pero bahala na, tapusin ko na lang din anyway.


***


"Jimin, pakawalan mo na si Lowen!" Sigaw ni Taehyung dito.


Habang ikaw, naiyak, lumuhod sa harap ni Jimin at nagmakaawa.


"Jimin, parang awa mo na. Please."


"Akala niyo ba ganun lang kadali lahat yun? Matapos lahat ng pinaghirapan ko para makuha ka? Tingin mo magpapatalo na lang ako basta basta? Pwes nagkakamali kayo." Sabi niya at kinuha yung kutsilyo sa gilid at sinaksak si Taehyung.


"AAAAAAAAAAA!" Napasigaw ka naman dahil dun.


"Huy, okay ka lang?" Tanong ni Taehyung sayo at biglang niyakap ito.


Nasa private jet kayo ngayon papuntang Seoul.


Nataranta din naman yung ibang nakarinig sayo.


"Anong nangyari?" Tanong ni Hoseok.


"Nanaginip lang ata ng masama." Sabi ni Taehyung.


Hanggang ngayon nakayakap ka pa rin dito at di maiwasang maluha.


Napatingin naman siya sayo habang nakayakap ka sa kanya.


"Huy, okay ka lang? Anong nangyari?" Tanong nito pero di ka makasagot. Nakayakap ka lang sa kanya.


Niyakap ka na lang din ni Taehyung at ni-rub likod mo.


Nang medyo naginhawaan ka na, kumalas ka na sa pagkakayakap sa kanya.


"Anong nangyari?" Tanong niya ulit habang inaayos mo sarili mo.


"Nanaginip lang." Saad mo habang nagpupunas ng luha.


"Sige, hindi nako magtatanong." Sabi nito at nakahinga ka naman nang maluwag dahil naiintindihan niya.


Sinandal mo naman ulo mo sa bintana ng jet at nakatulala lang sa kawalan.


Alien's Disguise (ONGOING || REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon