Ilang segundo kang di nakakibo dun na nakatitig sa doctor.
Uyy, may pagnanasa kay doc.
Dejok.
Pero seryoso, hindi ka talaga na kakibo dun.
Tipong nag-pause ba yung mundo mo dahil nagmistulang frozen meat ka na.
"Doc, s-seryoso po kayo?" Halos di makapaniwalang sabi mo.
"Yes, I'm dead serious, hija. May problema ba?" Umiling ka nalang at saka hinatak si Jimin palabas ng room.
Huminga ka ng sobrang lalim at napatingin nalang sa kisame.
"Bias ko, best friend ko?! Tangina." Bungad mo at napahawak ka sa noo mo dahil pakiramdam mo pwedeng pwede kang mahimata- MAMATAY.
"Wait, teka I don't get it." Medyo naguguluhang sabi ni Jimin.
"Don't you get it?! May CHF din siya!" Pagtaas mo naman ng boses.
"You mean..."
"Iisa lang sila ni Taehyung." Nasabi mo at napasapo siya sa noo niya.
"This... can't be." Hindi makapaniwalang sabi ni Jimin. "I need more proofs."
"Pero Jimin, hindi ba yung katawan mismo ni Vynce ang isang matibay na ebidensiyang iisa lang sila ni Taehyung?!"
Totoo nga naman.
Hindi naka-disguise si Vynce ngayon.
Napahawi nalang si Jimin ng buhok at inis na ginulo ito.
"There's only one way to find out." Saad niya at napalingon ka naman.
"Ano?"
"Watch me." Tanging sabi niya at sumugod pabalik ng room.
Agad mo naman siyang pinigilan.
"Wait, what are you doing?!" Nakita mong nilabas niya yung wallet niya at may kinuhang maliit na note na nakaipit sa loob nun.
"Ano yan?" Natanong mo.
"If he's Taehyung, he'll probably know about this." Matigas na sambit niya at kinabahan ka kaya agad mo siyang hinawakan sa braso para pigilan.
"Wait! Baka maka-sama lang to kay Vynce- Taehyung." Sabi mo naman at napalingon kayo nung makita niyong bumangon sa pagkakahiga si Vynce.
BINABASA MO ANG
Alien's Disguise (ONGOING || REVISING)
Fanfiction"Bias ko, best friend ko?! Tangina." - Lowen A loyal and hopeless ARMY who admires this dorky yet hot hiphop boy group, Bangtan Boys whom she had a bias on, Kim Taehyung who appears to be her own guy best friend. Insane, right? STORY WRITTEN BY NIKS...