S I X T E E N

8.4K 562 632
                                    

Dahil doon sa nalaman mo mula kay Vynce. Nanghina ka.

Yup. Sino ba namang hindi manghihina dun diba?

Nagpigil kang umiyak dahil ayaw mong makita ni Vynce yung kababawan mo.

Napaiwas ka lang ng tingin at saka huminga nang sobrang lalim at tumingin sa taas para di bumagsak yung luha mo.

"Go on. You can cry. No one's stopping you from that." Mahinang sabi ni Vynce sayo at doon, tuluyang bumuhos luha mo.

Napayakap ka kay Vynce at ayun, napahagulgol ka na.

Nirub lang ni Vynce yung likod mo habang nakayakap ka sa kanya.

Walang nagsasalita, puro hikbi lang kasi lumalabas sayo.

Di nagtagal, nagpunas ka ng luha at lumayo ng unti kay Vynce.

Nakaharap ka ngayon sa kanya.

"Sorry ha." Pumiyok-piyok pa boses mo at nanginginig. "Kung ang OA man ng dating ko ngayon. Sorry."

Nagpunas ka ulit ng tumutulong luha mo habang humihikbi.

Nakatingin lang sayo si Vynce na parang malungkot at naaawa.

"Sorry din. Sorry if I told you about his reason."

Naiyak ka lalo dun kaya napatakip ka na ng mukha dahil tuloy tuloy na talaga yung agos ng luha mo.

"A-ano ba yan." Humikbi ka naman ulit. "A-ang OA ko n-na talaga eh."

Nanginginig lalo yung boses mo kaya nauutal-utal ka.

Napabuntunghininga nalang si Vynce at niyakap ka niya.

"Hush. Tama na. Hindi naman malala condition niya eh." Sabi niya pa habang nirurub ulit likod mo.

"Hindi malala? Vynce, that's CHF. Chronic heart failure. One bad move, he can die!" Pumiyok ka ulit doon at napahagulgol ulit.

"Shhh, believe me, he's strong. Nagpapagaling nang mabuti si V. Have faith, Lowen. He will survive. He will." Naiyak ka naman lalo dun.

To the point ba na bawat salitang binibitawan mo at ni Vynce, napapahagulgol ka.

"Tsk. Naman eh. Since when has he been suffering this? Since when?! Does BigHit know about this? BTS?" Tanong mo naman habang nahikbi.

"Even before they shoot for American Hustle Life. He has been checking up to the nearest hospital and they told him that he can't last being an artist otherwise his condition would get worse."

Alien's Disguise (ONGOING || REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon