karahasan

8 0 0
                                    


sa aking silid ako'y palayain.
yaring katawa'y pagpahingahin.
halimaw na ama'y nais isuplong!
subalit, ako'y kanino bubulong?

mga palahaw ko'y pakinggan.
atensiyo'y ibaling sa'kin panandalian.
ako'y tulungan mo, ina!
si ama'y isumbong sa pulisiya.

karahasa'y tila walang hangganan,
pagkat si ina'y nagbingi-bingihan.
ako'y patuloy na tumatangis,
habang si ama'y nakangiti ng matamis.

ako'y kaawa-awang musmos!
buhay ko'y labis na kalunos-lunos.
aking puri't rikit ay inangkin,
ni amang nagbigay buhay sa akin.

salitang pinagtagpi-tagpiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon