kadiliman sa likod ng kariktan.

11 0 0
                                    


kaawa-awa! kay raming nagnanais ng buhay na aking tinatamasa. sapagkat, perpekto raw ito't kamangha-mangha.

subalit, tama nga bang sila'y magpalinlang sa silaw nitong dala? mamuhay sa ilusyong nilalaro ng aking ama't ina?

katawa-tawa! marahil kung alam lamang nila ang kadilimang bumabalot sa kariktang mayroon ang aming pamilya, tiyak na kami'y kasusuklaman nila.

tiyak na walang sino man ang magnanais na mapabilang sa pamilyang puspusan ang yaman dahil sa paraang 'di kaaya-aya.

pamilyang handang kumitil ng buhay para lamang sa ari-aria't pera. ngayon, iyong ikumpara. sadya nga bang kamangha-mangha ang buhay na aking tinatamasa?

marahil kung ako ang siyang tatanungin, ito'y higit na kahabag-habag kaysa sa pagiging maralita.

salitang pinagtagpi-tagpiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon