mula sa batis ng katotohana'y tanaw ko
kung gaano kahirap ang maabot ang
ginoong 'gaya mo.tila ba isa kang bituin sa kalangitan na
kay sarap pagmasdan sapagkat
napakaperpekto sa kahit na alin mang
aspeto.hindi 'gaya ko, na isang hamak
lamang at hindi kailanman
maipagmamayabang sa kahit na sino.napakatayog mo, ginoo. magagawa
mo kayang mapagbalingan nang
pansin ang isang tulad ko?subalit, ito'y malabo sa pagkat ikaw
ay isang bulalakaw na nagmula sa
kalangitan.kung saan, tanaw lamang kita habang
nananalangi't humihiling na sana'y
pintig ng puso ko'y pakinggan. subalit
may binibining mas nararapat na
iyong bagsakan.binibining sa iyo'y nakalaan na
kailanma'y hindi ko kayang
malampasan.marahil dahil sa kadahilanang
pareho kayong bituin habang ako'y
dumi lamang sa hangin.
BINABASA MO ANG
salitang pinagtagpi-tagpi
Poesíamalugod na pagdayo rito sa aking hardin, panauhin. Paalala, ang hardin ay hitik sa pait ng karanasan at kalungkutan.