[walang titulo]

0 0 0
                                    

hindi ko mawari kung bakit lubusan kita kung ibigin gayong tiyak ko naman sa aking sarili na kailanman ay hindi ko matatamasa na iyong mahalin. nagbibigay kalungkutan ito sa akin subalit hindi ito naging sapat na dahilan para mawala ang iyong pagkakakilanlan sa aking damdami't isipan. lubusan ka na nitong kilala na kahit pa ilang buwan o taon man ang lumipas na hindi tayo magkaroon ng interaksiyon o salitan ng salita, ikaw pa rin talaga ang nilalaman.

nangangamba na ako. paano kung pagdating ng araw matagpuan ko na lamang ang aking sarili na wala na sa huwisyo habang nakapaang binabagtas pabalik-balik ang liwasan upang hintayin ang iyong paghayo kahit na ito'y imposible at magaganap lamang kung magkakaroon ng milagro? kay habang paano subalit hindi pa rin sapat para kalimutan ka ng isip ko.

nasa huwisyo't tamang pag-iisip pa ako pero sa gawi kong ito, tila nilisan na ako nito.

marahil kung sa bandang dako ng aking pinamamahayan ka nagmula, may singkwenta porsyento akong pag-asa. pero sa kabila ng pag-asang iyan, mahigit singkwenta naman ang porsyentong hindi ka kagaya ng ginoong kasalukuyan kong naiibigan.

pero isa lamang talaga ang nasisiguro ko, isang daang porsyentong pag-asa ang wala ako para malasap ang pag-ibig mo.

salitang pinagtagpi-tagpiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon