G— gabing kay payapa't nilalamon ng
katahimikan habang ang mga tala'y
matiyagang pinagmamasdan.A— aagos na lamang ang mga luha sa
pagkat iyo'y sa panaginip ko lamang
makakamta't mararanasan.B— baril, kasa, baril, kasa. kay sakit na
mga salita na nagmumula sa labi ni
ina na animo'y bala na sa aking puso'y
tumatama.I— ina, ang gabi ay oras ng pamamahinga.
maaari bang ako'y mahimbing na
pagpahingahin kaysa iyong ikumpara't
maliitin?
BINABASA MO ANG
salitang pinagtagpi-tagpi
Poezjamalugod na pagdayo rito sa aking hardin, panauhin. Paalala, ang hardin ay hitik sa pait ng karanasan at kalungkutan.