nagliliwaliw ang mga 'paano' sa aking isipan. ito'y nasisiyahan sa kung paano ako magulumihanan. humahango ito ng lagusan na maaari kong hantungan, ang kawalan. unti-unti ako nitong nilalamon. dilim lamang ang siyang aking nakikita kahit saan man lumingon. saang dako may liwanag? may pag-asang maapuhap?
saklolo! hindi ko ibig na manahan sa nakakasuklam na bilangguang ito. bigyan ako ng sulo, o' ginoo: katiyakan. subalit, paano kung humakbang ka lamang palayo? paano ako? tuluyan na nga ba akong mawawala sa sarili ko?
paano?!
tumatangis na ang aking mata. muli ko na namang nagugunita ang iyong mga pangakong hindi ko matantiya kung ilang porsyento nito ang iyong binibigyang halaga. subalit paano? paano kung isa lamang iyong palabas sapagkat isa ka ng mahusay na artista; manlilinlang.
ako'y tulungan. bigyang kasiguruhan. marahil kung hindi, tuluyan na akong yayakapin ng kawalan.
BINABASA MO ANG
salitang pinagtagpi-tagpi
Puisimalugod na pagdayo rito sa aking hardin, panauhin. Paalala, ang hardin ay hitik sa pait ng karanasan at kalungkutan.