mata.

3 0 0
                                    

masdan yaring mga mata,
sinta. ano ang iyong
nahinuha? iyo bang
nabigyang-tuon
ang kanilang nadarama?

iyo bang napakiramdamang
sila'y pagod nang lumuha?
mula sa mga mabulaklakin
mong salita,

na tila ba isang
rosas na hitik sa mga
tinik na nagsisilbing mga
rehas ng puso kong sa
iyo'y 'di makatakas.

ito'y paulit-ulit na
bumabagtas sa aking isipan,
ang iyong mga pangako na
tayo'y magsasama
magpasawalang hanggan.

ngunit, lahat ng iyon
ay napako kaya ako'y
narito sa kadiliman
habang ang mga luha'y
walang awat na
nagsisipag-bagsakan.

salitang pinagtagpi-tagpiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon