kolaborasyon kasama si deamaquae
ina, nauuhaw ako.
ibig kong makalasap ng likido,
kahit isang patak lamang, ina,
'pagkat 'aring laguka'y nanunuyo na.huwag nawa puro luha ang mapala,
sa pag-umyak niring dinadala.
kung maaari, ako nawa'y kalingahin;
dagdag hiling, ako sana'y 'yong yapusin.hihimpil muna ako sa iyong bisig, ama.
bilang estasyon niring pagal kong bulto,
kaya huwag nawa ipinid yaong bisig.
'pagkat ang mamahinga, sayo ko lamang ibig.nawa'y inyong marapatin, ina't ama,
ibig kong marinig ang inyong malamyos na tinig.
nang sa gayon, sistema ko'y tumigil sa panginginig,
dulot ng aking hilahil na kay tagal nakakubli.bigyan nawa ako ng atensyon,
'gaya ng taong tinitingala sa loob ng telebisyon;
ni katiting lamang na pansin nawa'y ibahagi,
'pagkat paglugso ko'y hindi ko nais na maghari.pansinin nawa ang aking karaingan;
pukawin nawa ang inyong damdamin.
nais kong kayo'y huwag akong bugawin,
'pagkat batid kong sa inyong dako'y walang panganib.

BINABASA MO ANG
salitang pinagtagpi-tagpi
Şiirmalugod na pagdayo rito sa aking hardin, panauhin. Paalala, ang hardin ay hitik sa pait ng karanasan at kalungkutan.