musmos na puri'y saglit na iwinaksi nang kapusuka'y namayani. tambad yaong mahalimuyak at magarbong pagmamay-ari. katawa'y maayos na nahubog, subalit kaisipa'y labis na inilubog.
kaawa-awa!
sa pag-indayog sa ibabaw ay higit na pinaghuhusayan habang hindi magkamayaw sa paghiyaw.
ngunit, hindi mabigyang tanaw ang munting sanggol na maaaring maging bunga ng mapupusok na gawi at galaw. sanggol na pumapalahaw dahil sa labis na pagkagutom at pagkauhaw.
sa pagkakataong iyon, tiyak na bulyaw
na ang siyang mangingibabaw!
BINABASA MO ANG
salitang pinagtagpi-tagpi
Poetrymalugod na pagdayo rito sa aking hardin, panauhin. Paalala, ang hardin ay hitik sa pait ng karanasan at kalungkutan.