Juno vs Niko

116 4 0
                                    


Carter's pov

" Ang sarap mong halikan Sweetie...ang mga labi mo parang mga candy na ubod ng tamis.."

" Sweetie talaga? kiss me sweetie " ngumuso ako para mahalikan si Juno. at palapit ng palapit na ang mga labi namin.

BOOOGS

arrray... ang sakit ng mukha ko...
parang dumugo yata ilong ko sa sakit aray..

" Carter! Ayos ka lang? " nag angat ako ng ulo at nakita ko si Juno na nakatayo sa harapan ko at halata sa mukha ang pag aalala..

TEKA anyari ba sakin? bakit ang sakit ng mukha ko? parang na pango yata lalo ang ilong ko eh..

" hindi ka ba tatayo diyan? " napatingin ako ulit kay juno na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ko at napansin ko may hawak pala itong tasa. mukhang ngkakape.

" Bakit? " nagtatakang tanong ko.

" Bakit? Tinatanong mo Kung bakit? ikaw dapat tatanungin ko? anong ginagawa mo sa sahig? wag mong sabihing...." pabitin na sabi niya. uminom muna ng kape at nagsalita ulit. " Nahulog ka diyan? ang likot mong matulog..siguro nag e imagine ka noh? " nakangising sabi neto. Nag e imagine daw? nag isip ako..teka nag imagine ba ako? ay pota! natutop ko ang bibig ko ng maalala yung panaginip ko na ang sweet namin ni Juno at hahalikan ako waaaaaaaaah..

" Teka wag mong sabihin na nag imagine ka nga at hmmmmp..ang naiimagine mo is hinahalikan kita? hahaha tama ba? " tumawa pa siya ng malakas.. napasimangot ako. Pano niya nababasa yung iniisip ko. tsk. iba na to. may lahing manghuhula to sila juno. kala ko lahing kabaliwan lang..

" Kapal mo! never mangyayari yun juno.! asa ka naman! " pag de-deny ko

" talaga lang ha? eh nakita kita na nakadapa diyan sa sahig at nakanguso pa. yung tipong manghahalik ka..." sabi nito..Gaaad nahiya naman ako bigla

" Weh? nakita mo? baka guni guni mo lang yun juno..sinasabi ko sayo tigil tigilan mo yang pag aadik mo! " pang aasar ko.

" Hoy! Gwapo lang ako..ay mali sobrang gwapo lang ako..pero hindi ako nag aadik.." pagyayabang nito

" Talaga lang ha? " kunwari hindi ako naniniwala.

" Oo, tsaka wag mong ibahin ang topic..bakit ka nakanguso ha? ampangit mo pa naman sa pwesto mo..nakadapa tapos nakanguso..hahaha dapat pala pinictuan kita." napapailing na sabi nito

" abnoy! Nag pa practice lang ako mag swimming noh! " alibi ko. sana umipekto naman.

" Weh? deny pa more carter! hahaha! Tumayo kana diyan..Kanina kapa hinihintay nila mommy sa baba.. " sabi nito at naglakad na tungo sa Pintuan ng room ko. At bago pa siya makalabas nagsalita pa siya na labis na kinainisan ko

" Sweetie.. wag kana ngang ngunguso ha? ampangit eh! " nakangising sabi nito at Ayun sinirado na ang puntuan..

"ARGHHHHHHH"

UGH! Pang asar talaga siya.. tsk bakit kasi ganun pa ang panaginip ko? bakit naman si juno pa? pwede namang si Captain (insert pa cute smile) :)

MASAKIT talaga ang mukha ko. sabagay nahulog nga ako dito sa kama ko. grabe talaga ako matulog. Talo ko pa ang kiti kiti sa kalikutan eh. Napahawak ako sa ilong ko... shit flat na lalo waaa! kaylangan ko ng mag pa plastic surgery

Bumangon na ako. nakakahiya pa rin kay juno. bakit kasi pumasok pang animal na yun? Aish.. at bakit kasi napanginipan ko yun eh... UGH!!!!! Naiinis talaga ako promise! mamatay pa si juno.

MY SWEETIE DEVIL HUSBAND (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon