CARTER POVAraw ng Sabado ngayon dahil walang pasok dito lang ako sa bahay, bukas pa naman gala namin ng mga friends ko eh.
Ang boring sa bahay na ito.
Joke! hahaha
hindi boring dito dahil napaka weirdo ng mga nakatira dito. si Mommy si Daddy at lalo na ang devil na si Juno.. wait speaking of the devil nasaan na kaya yun? baka kasama na naman mga weirdo din nyang mga kaibigan.makababa na nga baka gising na din sila mommy at matulungan ko sa paghahanda ng breakfast.
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko sa kama ko. tamad na tamad akong bumangon, nag unat muna ako
" yawn "
inaantok pa ako pero alas nuwebe na . gising na yun sila mommy.
Sinuot ko ang tsinelas kong pambahay at naglakad patungo sa pinto at binuksan ko ito.
pagbukas ko ng pinto nakita kong bukas ang kwarto ni juno, magkatapat lang kasi kami ng kwarto.
dahan dahan akong lumapit, hinawakan ko ang doorknob at dahan dahan kong tinulak ito para makita ko kung andito si juno.Sakto pag Bukas ko bumungad sakin si Mommy na may dala dalang basket.
" Oh Carter anak ang aga mo naman nagising " sabi ni mommy habang bitbit ang basket na punong puno ng damit ni juno.
" Ahh ano po kasi, nagising lang ako hehehe ano yan mommy maglalaba kayo? " tanong ko.
di naman naglalaba si mommy eh pinapa-laundry kaya namin ang mga labahin namin." Nako hindi ano kasi... " napakamot pa si mommy sa may sintido niya. ang weird ni mommy
" Aayusin ko lang kasi araw ng sabado ngayon diba magpapa-laundry ako. idadaan namin ni daddy mo to sa laundry shop" sabi ni mommy at agad tinulak ako palabas ng kwarto ni juno at agad sinirado. weird
" Ilabas mo na din mga labahin mo anak para masabay ko na " sabi ni mommy at agad agad bumaba.
tumango nalang ako, di ko maintindihan si mommy ang weird niya una hindi yun pumapasok sa kwarto ni juno kasi unang una ayaw ni juno. ako lang nakakapasok diyan. pangalawa hindi naman si mommy ang gumagawa na kukunin pa niya ang labahin ni juno sa kwarto nito kasi ayaw din ni juno. si juno na kasi naglalagay nun sa lagayan saka ibaba at ipasok sa kotse.
diba? ang weird..
haynako di ko nalang pinansin baka busy lang si juno.
teka san na ba yung dimonyong yun?
_______
Juno's POV
RING!!! RING!!! RING!!!
calling : Mommy
napakunot ang noo ko habang nakatingin sa screen ng phone ko. ano na naman ba 'to? alam naman nila na ayoko magpa istorbo pag nagpa practice kami eh.
Answer
" bakit? " boring na sagot ko
" wala bang I love you mom-" pinutol ko na ang sasabihin ni mommy ang daldal
" Bakit ba mom! busy ako! " medyo tumaas ang boses ko. nakakairita kasi
" fine... di na kita kukulitin.. sunduin muna ang asawa mo kasi ngayon na kayo maglilipat . andun na yung ibang gamit mo sa bagong bahay niyo" pagkasabi ni mommy nun bigla akong napangisi. sawakas bubukod na kami ni carter. makakaiwas na ako kila mom and dad. masosolo ko na si Carter.