Juno's pov
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na mula sa bintana.
Ugh ang sakit ng ulo ko.
bakit ang sakit ng ulo ko?
ay pakshet.. nag inom pala ako
mali naligo pala ako ng alak LOL
pano ako nakauwi? di kaya hinatid ako nila Larry?
akmang babangon na ako ng mapatingin ako sa suot ko
bakit iba yata suot kong damit
sino nag bihis sakin? damit lang naman. suot ko pa rin yung Pants ko.anong oras na ba?
Napatingin ako sa wall clock.
10am? 10 na pala.
buti sunday ngayon walang pasok.Bumangon na ako at pumasok na sa banyo para makaligo na rin.
may Hungover pa ako ugh
after ko maligo Bumaba na ako.
nakita ko sa Sala sila Mommy daddy and Carter.tsk inis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.
Ah basta! ayoko siya pansinin.
"ehem!"
tumikhim ako kaya napatingin sila sakin.
" Oh goodmorning anak " bati ni mommy
" Juno san kaba galing kagabi at Ang tagal mo yatang nakauwe?.. napuyat tuloy itong asawa mo kakahintay sayo" si daddy
napatingin naman ako kay Carte na naka ngiti lang sakin. tsk
" sa friends ko " sabi ko at tumuloy na ako sa kitchen.
habang naglalagay ako ng juice sa baso ko. biglang sumulpot si Carter.
" mag breakfast kana.. nauna na kami kumain kanina ang tagal mo kasing nagising " sabi nito. at inayos yung plato sa mesa. hinayaan ko lang siya.
Umupo na ako para makakain na.
" Juno Bakit ka pala naglasing? " tanong ni carter nasa harap ko siya ngayon nakatayo lang
hindi ko siya sinagot.
ni hindi ko siya tinapunan ng tingin eh. mag iinarte muna ako.para ramdam niyang inis ako sa kanya. tsk
" Hoy.. may kausap ba ako? " bahala ka diyan di kita papansinin.
" juno naman eh...kinakausap kita..."
-_-
" Juno bungol kaba? "
-_-
" hoy..." inalog alog pa niya ako kaya tumingin ako sa kanya sinamaan ko siya ng tingin.
tsk kumakain ako eh. bastos lang..
hindi ko pa rin siya sinasagot..
tinapos ko na yung kinain ko at tumayo na ako.bago pa ako makalabas sa Kitchen hinawakan niya ako sa braso.
" Juno...g-galit ka ba sakin? " tanong niya. tinignan ko lang siya.
wag kang papadala sa mga tingin niya juno.
tapos tumalikod na ako. bago pa mag bago isip ko at hindi ko mapigilan at baka yakapin ko lang siya. ayoko pa rin siyang pansinin.
napadaan ako sa sala ang HAROT! nagtatawanan pa sila mommy at daddy tsk.
" Oh anak lika kayo dito oh... maganda tong pinapanuod namin ni daddy mo.." yaya ni mommy na tawa ng tawa.
