si captain niko nasa multimedia pogi noh? wahaha
_____
Carter's Pov
Kainis naman si laway nautusan pa ako laki lang nang galit sakin.
ramdam ko lang! tsk siguro tama nga si Juno,Jukla yun haha
hays ang bigat pa naman nitong mga pinadala niya.
Mga books ibalik ko daw sa library.
wow lang ako pa talaga nautusan.Patulong sana ako sa kanila Mae at cindy kaya lang.
FLASHBACK
" mendez! " tawag ni laway.
" Yes sir? "
" ibalik mo nga 'to sa Library. " tapos kinuha niya yung mga books sa Table at binigay sakin.
napangiwi naman ako dahil sa bigat mga 15 books yata to. kumusta naman ang Bones ko diba?
" sir ang bigat " Hirap na sabi ko nasa mga kamay ko na ang mga books. ni hindi ko nga makita yung pagmumukha ni laway eh dahil naharangan ng books.
" Tulungan ka na namin Carter" singit ni Mae. andito pa kami sa room. palabas na sana para mag lunch.
" No need na kaya na ni Mendez to girls, Oh ito dalhin niyo tong Papers sa table ko. " utos ni laway. dalhin daw sa table niya dun sa office ng mga Teachers..
" pero sir? " sabi ni Cindy na naawa sakin.
" sige na girls alis na! " walang nagawa ang dalawa at umalis na. bitbit ang mga papers.
ako ito hirap habang yakap yakap ang mga books..
" Sige na mendez larga na" utos niya kaya wala akong nagawa kundi ang sundin nalang siya tsk.
may galit tong baklang to sakin eh.
BAKLA KA TALAGA! -sigaw ng isip ko
Hayst..
Huhuhu kawawa naman ako
di kaya malaglag ako sa hagdan. ni hindi ko nga makita ang daan eh. bakit kasi ang liit ko waaa :(BOOGS!
" ANO BA HINDI KAB- Captain? " nagulat ako si captain pala nakabunggo. kala ko iba kukutusan ko talaga sa lungs.
" sorry carter ha. hindi ako nakatingin nagtetext kasi ako sorry" paumanhin niya saka Yumuko at pulutin ang mga books na nagkalat sa sahig.
" Nako, okay lang di mo naman sinasadya eh " nakangiting sabi ko.
" Teka..bitbit mo to? san mo to dadalhin? " tanong niya habang pinagpapatong patong ang mga books.
yumuko na rin ako para tumulong " ah sa library.. napag utusan ni laway.." bagot na sabi ko
" sinong laway? " takang tanong niya.
hahaha ako lang pala nakakakilala kay laway. kasi ako lang naman nag bansag dun. ay kami pala ng mga friends ko
" ah si sir baldo " natatawang sabi ko.
" hahaha loko ka talaga carter, bakit naman laway? "
" ah..kasi pag sinisermunan niya ako lagi nalang tumatalsik laway niya. di ba siya aware na ang baho ng laway niya? " natatawang kwento ko. tumawa naman ng malakas si Captain.
perstaym ko makita si Captain na tumawa ng ganito.
kasi lagi lang tong tahimik eh.
bihira nga lang ngumiti eh tumawa pa kaya diba?