Ang sweet nila Papa juno and Carter nasa multimedia oh kyaaaa__
Juno's Pov
" Boi tama na yan "
" Binasag mo na lahat ng bote dito oh "
" nagkalat kapa boi "
" Lasing kana boi "
" SHUT UP!!!! " sigaw ko tang*na ang iingay p*ta.
Nanahimik naman sila Nagkamot pa ng mga ulo.
Nag iinom kami dito sa bar ni Larry
Oo tama nag basag ako ng mga bote dito.bwisit!!
Ginagalit talaga ako ng Niko na yun..
huh hinawakan pa niya talaga ang kamay ni carter.
at nagpahawak pa talaga si Carter.
kilig na kilig pa. psssh." Boi... baka naman wala lang yung nakita natin...yung holding hands baka wala lang yun.." sabi ni larry at umakbay sakin.
siniko ko siya " ouch...sakit boi ah.... ang hot mo " angal ni Larry
" wala lang yun? ano yun trip trip lang? magka hawak kamay boi? hindi yun wala.. may relasyon yang dalawang yan..At yang niko na yan..humanda siya sakin..ginagalit niya talaga ako huh. " sabi ko sabay basag nung hawak kong Bote.. badtrip talaga..
yung nakita ko sila malapit sa library. sobrang badtrip na ako nun.
Yun pa kayang Magka holding hands? tang*na. ginago yata ako eh. gustong gusto ko na ngang sugurin kanina at basagin ko na lalo yung pagmumukha ng niko na yun
" Uwi na ako boi... anong oras na oh..kanina pa tayo dito eh.. ano tara na King.. " sabi ni Jared.
" Sige boi ingat kayo..." sabi ni Larry sabay tapik kay King at Jared.
" Boi " tinapik lang ako ni king at Jared tumango lang ako.
Kami nalang ni Larry dito.
Naupo siya sa tabi ko.
" Boi... bakit kaba nagkakaganyan? "
" anong ganyan? "
" boi... alam ko may gusto ka kay Carter..pero diba..parang kapatid mo na yun? "
hindi ko siya sinagot
" aware ba siya na gusto mo siya?... Tsaka boi alam din natin na may gusto siya kay captain niko diba? "
" pano kung ligawan siya ni niko? malamang sa malamang sasagutin niya yun...gusto niya yun eh "
" Hindi niya sasagutin yun..hindi pwede" sagot ko
" Bakit hindi? single naman yata si Carter diba?" kala mo lang single.. married na siya at sakin yun. gusto ko na nga sana sabihin sa mga kaibigan ko na mag asawa na kami. pero wag muna mga tsismoso pa naman tong mga gunggong na to.
" basta hindi pwede! " giit ko
May asawa na siya hindi siya pwedeng mag boyfriend.
makakapatay ako.
"hahaha ewan ko sayo boi...kung ako sayo..aaminin ko na ang feelings ko na matagal ko ng tinatago.... "
" Ang tapang mo nga...torpe ka naman tsk tsk tsk" natatawang sabi ni larry gago to ah. pagtawanan ako?