Chapter 3

450 20 6
                                        


Chapter 3

" You will pay for this!" nanggigigil na sabi ni Calli sa lalaki. Matiim itong nakatitig sa kanya habang siya'y nagpupumiglas. Parang balewala ang mga tadyak na gingawa niya rito kanina dahil kampante pa rin itong nakahawak sa braso niya.

" I could sue you for this , you know."

" Sue me?!You could easily slash my neck, you bloodsucker! "pang-iinis niya dito.

Confusion crossed his stunning face. " Bloodsucker?"

" Must you deny that thing?" she snapped out. " I've seen you last night. You're bloody all over. " akusa niya dito.

Sukat sa sinabi niyang iyon ay napahalakhak ang lalaki. He was incredibly gorgeous and more appealing sa paningin ni Calli. Vampires are known to be cold, emotionless, at parang walang buhay. And she can't believe that this one was laughing at her expense!

" Anong nakakatawa?" pinukol niya ito ng masamang tingin.

" You." He laughed once more. " Do I look much of a vampire para katakutan mo?"

" For a typical vampire, dapat kanina mo pa ako kinagat at nilantakan!Marami ka pang satsat!" nanggigigil na sabi niya. Pero ang totoo, natatakot na siya. She was buying enough time para paikutin ang ulo ng impaktong ito. Hindi siya sasantuhin nito at malamang ay paglalaruan muna siya nito bago sipsipin ang kanyang dugo.

" Lantakan?" he teased. " You really want me to devour you?" tanong nito habang banayad nitong kinakagat ang tainga niya na ikinasinghap niya. It sent shivers down her spine na ikinagulat niya. What was this bastard doing? Seducing her?

" Stop it!" tulak niya rito ngunit muli siayng kinubabawan nito. " Shit! Why can't you just die?" mura niya.

" I'm a vampire, remember? "pang-aasar nito.

" Dapat ka nang mamatay, alam mo ba iyon? Marami ka nang nilantakang baka sa farm. Tapos tinangay mo pa ang isang inosenteng dalagita."

He faked a troubled sigh. " I really don't know what the shit you're talking about.But I'll indulge with your games because I'm bored."

Bored? Ano ba ang ibig sabihin nito? She wanted to strangle the man that moment yet she can't help herself from staring back on his prominent brown eyes which was dancing with pure awe and amazement. Lalo itong gumagwapo kapag nakangiti. Yet she momentarily whisked the thought away because right now she was on a dilemma.

"Nasaan na ang dalagitang tinangay mo?"paggagalit- galitan niya sa kabila ng panginginig ng kanyang mga tuhod dahil samga titig na pinupukol ng lalaki sa kanya. "I'm willing to make a bargain para pakawalan mo na siya at umalis ka na sa bayanng ito." Plano niyang lansihin ito para may tsansa siyang makatakas at ipaalam sa grandparents niya na ito ang salaarin sa nangangamatay na baka sa farm.

" Then what would you give me in return if I release the girl and leave this town?" there was challenge in his voice. Calli knew that he would ask for something impossible. And she cannot give it to him. To this damned bloodsucker who would soon puncture her neck and drain her dry. And little didi she know na iba na ang pinupukaw niya sa lalaking nakakubabaw sa kanya. The sight of her lovely face and sexy mouth was enough to make a man lose his sanity. And this guy was one of those legion of men na gusto siyang angkinin anumang sandal.

" You can have me!" she rasped. " Pero ito ang tatandaan mo, kailangan ko munang masiguro na buhay pa ang dalagita at ligtas siyang makakauwi sa kanila. And you need to keep the part of the bargain na hindi ka na mambibiktima pa at aalis ka na sa baying ito." Hamon niya sa lalaki. Mabuti na lang at marunong siyang mag-imbento ng kwento at kondisyones. Sa ganoong paraan niya naiisahan kung minsan ang mga parents niya kung may hihingin siyang pabor. Pero hindi siya kumbinsido kung mapapapayag niya ang lalaki dahil lalansihin niya lang ito. Ang hula niya ay wala na ang dalagita at matagal na itong nilantakan ng impaktong ito. Kung pumayag man ito sa ibinigay niyang kondisyones ay tiyak na hindi nito tutuparin iyon kahit na nga ba totohanin niya ang pagsasakripisyo sa sarili niya.

My Nosy PaparazziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon