Chapter 35
"Wala nga si papa pero marami namang bisita dito sa palasyo. I just hope that they would leave soon the moment they've closed the deal with the land treaty." Inabutan siya ni Caroline ng champagne saka lumusong din sa tub na pinaliliguan niya.
They were having their bubble bath nang mga sandaling iyon.She wasn't in the mood to talk actually. Kung siya ang papipiliin ay isasandal niya na lang ang kanyang ulo sa rim ng tub saka matutulog. Bahala na kung magkasipon siya.
"A penny for your thoughts, dear friend?" Saglit siyang natigilan dahil dito. Nag-angat siya ng tingin upang makita ang nakataas na kilay ni Caroline. Her eyes were inquisitive as she looked at her.
Inilapag niya ang kopita sa gilid ng tub. Gustong-gusto niyang sabihin dito na plano niyang umalis ng palasyo. But she can't right at this moment dahil may suliranin din itong dapat harapin. Papatong lang siya sa mga pino-problema nito ngayon.
But she needed to go.Hindi niya mapapangakuan ang sarili na tumanggi sa oras na lapitan at hawakan siya ni Chad. She hated to admit that she was a slave to his touch. Sa bawat himaymay ng mga kamay at labi nito sa kanya ay nakakapanghina ng mga binti niya.
"Calli?" Untag sa kanya ulit ni Caroline.
She faked a smile then faced her."I'm just savoring the bath, that's all. Now what were you saying again? I wasn't able to catch that, your Grace." Nagkunwa siyang walang narinig kanina sa sinabi nito.
"Well nevermind that." Iwinasiwas nito ang kamay saka sumimsim sa iniinom nitong champagne. "I want to know what's happening between you and my brother."
She stiffened. "Y-your brother?" Naging mabilis ang tambol ng puso niya sa kanyang dibdib. "What about him?" She tried to straighten up herself to hide her uneasiness.
"I am not naive, Calli.Ilang beses ko na kayong nahuling nagtititigan na parang kilala ninyo ang isa't-isa bago pa man magkita kayo dito sa palasyo. And I am well aware of the confrontations you two had nitong mga nakaraang araw."
Pagak siyang tumawa para pagtakpan ang naging obserbasyon ng kanyang kaibigan. "So you're thinking that we're having an affair? How I wish it to be true, Caroline." Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kopita habang umiinom dito. She couldn't hide the mild tremble she had in her hands.
How could she be careless with her actions?Pati si Caroline ay nakakahalata na. But how could she not? Her ass of a brother seems to have no plans of making himself discreet when confronting her.
"Unfortunately you are just seeing things, your Grace. Your thoughts about me and your brother having an affair is endearing. But I love that illusion of yours." Pagsisinungaling niya para tigilan siya nito.
Pero hindi pa rin ito natitinag sa pagtitig sa kanya. Waring sinusuri nito kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi. Kinabahan siya.
Pero nagbawi din ito ng tingin sa kanya. She drew a deep breath. Christ, she was almost close from being caught!!!
"Forgive me from nagging you with those questions. I am just plain curious. You see when my brother came back from his unathorized vacation ay parang may nag-iba sa kanya. He said that he met this farm girl and he sounds to be madly in love when we were speaking by the phone." Bahagya siya nitong sinulyapan na parang alam nito na siya ang babaeng tinutukoy nito.
"Well she's one lucky girl then." Tanging komento niya. Ayaw niya nang dumagdag ng kung ano mang detalye sa pinag-uusapan nila ngayon. And as much as possible ay gusto niyang ibahin ang topic. Ayaw niyang inuungkat ang nakaraan niya. Those were bittersweet memories that she needed to trash away from her mind.

BINABASA MO ANG
My Nosy Paparazzi
Storie d'amoreNagpunta si Calli sa kanilang probinsya para magkaroon ng break sa kanyang trabaho bilang isang paparazzi.Ngunit dala-dala niya ang assignment ng kanyang boss na sundan ang naglokong bastard royalty. It was an offer she can never refuse and can neve...