Chapter 36
Fast. She needed to sneak out fast. Iyon ang naglalaro sa isip ni Calli habang kalmado siyang naglalakad sa corridor ng palasyo. Kung tatakbo siya ay siguradong makakahalata ang ibang tao sa palasyo na may plano siyang tumakas. Pero ano ngayon kung aalis siya? She was no prisoner of this castle. She never did any crime para bantayan siya ng mga tao.
But maids will talk. Guards would ask. There would be a delay kung sasagutin niya ang mga simpleng tanong ng mga nakapalibot sa kanya. And perhaps before she knew it ay baka nakarating na ang balita sa prinsipe nito. She couldn't risk that thing. Not ever. Kaya ginawa niyang normal ang kanyang paglalakad para wala nang magduda o magtanong man lamang.
Inuna na niya kanina ang mga bagahe niya sa shuttle service na regular na naglalabas-masok sa palasyo para ihatid ang mga guests sa lugar na gusto nilang puntahan. Nag-alok siya ng malaking tip sa driver para manahimik ito. Galing iyon sa bills na karaniwang binibigay sa kanya ni Caroline at ng hari tuwing nagugustuhan nito ang kuha ng litrato niya.
Plano niyang dumaan doon sa kitchen door. Tutal naman ay doon siya unang dumaan nang una siyang tumapak sa palasyo kasama ni Caroline.
Pagpasok niya sa kusina ay nginitian niya ang mga staff sa loob. Nag-curtsy ang mga ito sa kanya bilang paggalang. She was about to puff her sigh of relief nang merong tumawag sa kanya.
"M'lady. Someone's waiting for you in your chamber." It was Clementelle, ang personal maid ni Caroline. Marahan itong nakayuko sa harapan niya. It was as if she was waiting for her to bark an order bago tingnan siya nito sa mga mata.
"Sino daw yung naghahanap sa akin?" Tanong niya pagbalik sa corridor habang nakabuntot sa kanya si Clementelle. Mukhang made-delay ang pagtakas niya palayo sa palasyo.
"C-clay...Clayton,m'lady." Nauutal na sambit ng maid. Namumula ang pisngi nito habang nagsasalita. She made a mental note to pinch her ass of a brother kapag nakabalik siya sa kwarto niya. Kung kelan na aalis na siya ay malalaman niyang sumulpot ito dito pa mismo sa palasyo ng Monaco.
"Ate!" Isang naka-topless na Clayton ang bumungad sa kanya. His long, sinewy arms automatically wrapped around her in affection. Ibinaon nito ang mukha sa gilid ng leeg niya, as if begging her to pet him like some silly old dog. Nakagawian na nitong gawin ito sa kanya tuwing umuuwi siya galing sa isang bakasyon.
Doon niya naalala na andyan pa pala si Clementelle sa likuran nila. Nilingon niya ito at nakita niya pa rin itong namumula.
"Thank you Clementelle. You may leave us now." Utos niya.
The maid muttered her courtesies without looking up at her. Alam niya na ang dahilan kung bakit namumula ito. At nakapulupot sa kanya ngayon ang salarin kung bakit hindi sa kanya makatingin ang maid. Piningot niya ang ilong ng kapatid.
"Ouch!What was that for?!" Reklamo sa kanya ni Clay.Hinagisan niya ito ng T-shirt sa mukha saka tinaasan ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Chill, ate.I'm here for one of my gigs. Nag-request ang isa sa mga anak ng Russian delegates na mag-perform kami mamayang gabi para sa event dito. Kasama ko actually ang mga ka-banda ko. They're on the other room. Don't worry, I won't screw up big sister." Kinindatan siya nito saka yumakap ulit sa kanya.
She sagged against him and hugged him back. Her little macho of a brother was all she needed right now.
Perhaps he could use him to distract people tonight at the party. Women,specifically. He had that thing on him na palaging napapalingon ang mga babae sa presensiya niya.

BINABASA MO ANG
My Nosy Paparazzi
RomanceNagpunta si Calli sa kanilang probinsya para magkaroon ng break sa kanyang trabaho bilang isang paparazzi.Ngunit dala-dala niya ang assignment ng kanyang boss na sundan ang naglokong bastard royalty. It was an offer she can never refuse and can neve...