Chapter 2
"Need help on milking the cows,Calli?" Salubong sa kanya ng Grandpa Seymour niya. Mukha itong ranchero sa suot nitong cowboy getup. Pati din naman siya ay ganoon ang suot.Iyon ang pangalawang araw niya sa farm.
"I'm fine with here grans.You just sit there and wait for Matthew to come." Si Matthew ang taga-deliver ng mga milk bottles na nilalako sa bayan.Ito din ang ranch help ng kanyang lolo at lola.
" Nah!My bones are still strong kid. In fact, your gran is still going crazy for me because I'm smokin' hot!" Pagyayabang nito saka humalakhak. Hanggang ngayon ay marunong pa rin itong magbiro kahit na matanda hindi gaya ng iba na childish at ulyanin na.
" Kaya ka laging hinahataw ng walis eh, kasi maloko ka talaga!"
" Hmp.Ganyan talaga si Eloise.Sinasaktan ako pero ang totoo naman ay patay na patay yun sa akin."
" Anong patay na patay?!" galit na bungad sa kanila ng lola niya. May hawak-hawak itong malaking basket na puno ng blueberries na pinamitas nito sa kung saan.
" Hello, love." Dinampian ng lolo niya ng halik sa pisngi ang lola niya.Umirap ito.
Natawa at nakilig na lang siya sa dramang nagaganap.Madalas man na mag-away ang mga ito ay malinaw na may pag-ibig ito para sa isa't-isa . It was as if those long years of marriage wasn't enough. Love and passion never waned for both of them.And she dreamed of having a man in her life like her Lolo Seymour.
"Katanghaliang tapat at nilalalndi mo na naman ako!" pagtataray ni Lola Eloise niya.
" Eh gusto mo na naman eh!"pangangatwiran ng lolo niya.
"Gusto?!Anong gusto? Halika ka sa cabin at ipatitikim ko sa iyo ang roundhouse kick ko!"
" As if kaya mo naman.Gusto mo lang yata akong solohin sa cabin, eh."
"Heh!"
Biglang naudlot ang pag-aaway ng dalawa nang dumating si Matthew,ang taga-deliver ng mga milk bottles.
" Sorry na-late ako.Medyo nagkagulo kasi sa bayan." He scratched his head as if he was obliged to explain.
" Anong gulo?" Inisa-isa niyang dinala ang milk bottles sa mini cart nito.
" Last night ay apat na baka ang pinatumba.Their throats were slashed and their blood were drained dry. This is the fifth time na nangyari ang ganitong insidente."
" Eh baka lang pala ang mga inatake." Kalmanteng sagot ng lola niya.
" But people are afraid that we townspeople might be the next victim. Rumors said that a werewolf or a vampire might be roaming around this town.Kung mauubos lahat ng hayop ditto,our food source and livelihood would drain eventually. At tayo ang susunod na bibiktimahin ng impaktong ito."
------------------
Gabi na pero hindi pa rin makatulog si Calli.Ilang beses na siyang nagbago ng posisyon yet still sleep didn't claimed her. Isa lang ang naiisip niyang gawin sa mga panahong iyon. At iyon ay ang mag-star gazing.
Lumabas siya ng kanyang kwarto and she headed at the porch of her cabin. Agad niyang pinag-diskitahan ang nakatayong telescope doon. She satisfied her eyes by gazing at the different formation of the stars pero malayo sa inaasahan niya na may makikita pa siyang iba bukod doon.
Merong paniki na lumipad sa kalangitan at tumungo iyon sa di-kalayuang bahay. Iyon ay ang villang nakita niya noong unang gabing tumuntong siya sa cabin ng lolo at lola niya.
BINABASA MO ANG
My Nosy Paparazzi
RomanceNagpunta si Calli sa kanilang probinsya para magkaroon ng break sa kanyang trabaho bilang isang paparazzi.Ngunit dala-dala niya ang assignment ng kanyang boss na sundan ang naglokong bastard royalty. It was an offer she can never refuse and can neve...
