Chapter 24

171 5 2
                                        

Chapter 24

Gray.

Everything was in shades of gray.

Iyon palagi ang nakikita ni Calli sa loob ng kwarto niya. She'd closed the curtains and shutters kahit sa katirikan ng araw. Palagi niyang idinadahilan na meron siyang transaksyon na dapat tapusin between her boss Maurice through the phone.

Sa ngayon ay napapaniwala niya pa ang lolo at lola niya na maayos lang siya.

Kung hindi na niya makayanan ang nararamdaman ay nagdadahilan siyang lalabas at mangangalap ng wanted criminals sa sideline niyang pagba-bounty hunting.

Yet she can't fool them for long. She knew in her heart na malalaman na din iyon ng lolo at lola niya.

Somehow ay ipinagpasalamat niya na wala na doon sa si Chad. Wala ng gugulpihin ang lolo niya kapag nagtakataon. She would just be the lone casualty of the mistake they made.

Her alone.

Tears welled in her swollen eyes. The pain was too unbearable and excruciating to hande. Parang malalagutan na siya ng hininga sa kakaiyak niya. It's been weeks  mula nang iwan siya nang tuluyan ni Chad.

She prayed na mamatay na lang sana siya. That she would just sleep, lose her shaky breath and turn cold in her own bed. Ganoon katindi ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Wala sa loob na tinitigan niya ang celphone niya. Merong ilang text at missed call siyang natanggap mula kay Maurice. Nagtatanong na ito kung natanggap niya na ba ang fax na pinadala nito.

Fax.

Saglit siyang natigilan. She remembered na dapat niyang kunin ang fax na ipinadala ng boss niyang bakla. At kukunin niya dapat iyon sa bahay ni Chad.

Yet it never happened at all. Bago pa man niya makita ang buong profile ng prince ng Monaco ay iniwan na siya ni Chad.

He'd left her like she was a slut na pinaglaruan at pinagsawaan nito. And dropped her all of a sudden as if she was an awful mistake he made.

"You're just an itch that I wanted to scratch...." Pinikit niya ang mga mata sa daloy ng mga masasakit na salita na iniukol sa kanya ni Chad.

Then her memories went back to the day he left her. She felt like she died that moment. She died along with the feeling that faded away from his heart.

And now that he's gone, hindi niya na alam kung saan siya tutungo. She had plans of quitting her job right after na matapos niya ang assignment sa prinsipe ng Monaco. Pero bago pa man niya matapos iyon ay iniwan siya nang agad-agad ng binata.

What now? Siguro naman ay tatanggapin pa rin siya ng boss niyang si Maurice kung mananatili pa rin siya sa trabaho.

Dahil mugto ang mga mata niya ay kailangan niyang maghilamos ng mukha bago lumabas ng kwarto. Merong agricultural exhibit sa bayan at lumakad kanina pa ang kanyang lolo at lola.Nagdahilan siyang may ginagawa sa barn kaya hindi siya nakasama.

Sinadya niya iyon. She didn't want her grandpa seeing her like she's looking for someone from afar.

Na animo'y may hinihintay siya pero wala naman.

Iyon ang isa sa mga kahibangan niyang hindi mabura-bura sa sistema niya mula nang iwan siya ni Chad.

Kabababa niya pa lang sa sala ay agad na bumukas ang pintuan ng cabin at iniluwa doon si Matt. May dala-dala itong mga kahon na naglalaman ng mga apple at oranges. Malamang na bumili na naman ng marami ang lolo at lola niya.

"You look like a wreck, Calli." Nahahabag sa sitwasyon niya ang binatilyong si Matt. Inilapag nito ang box sa mesa at tinitigan siya.

"Your grandfather can't see you like this." Dagdag pa nito.

My Nosy PaparazziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon