Chapter 45

39 2 3
                                    


Chapter 45


She would've punched him in the gut kung hindi lumitaw ang ulo ni Leith sa hamba ng pintuan.

"Hey, what are you two doing?" Natatawa nitong pahayag. "Naghihintay kaming lahat sa gazebo. Natapos na ang habulan namin ni Cato at lahat-lahat pero hindi pa rin kayo bumabalik kaya tinungo ko na kayo dito sa kwarto." Iniawang na nito ang pintuan na lihim niyang ipinagpasalamat.

Nash gave her a warning glare before retreating away from her. Lumabas ito ng banyo pagkatapos.

She sighed in relief. Palagay niya ay kanina pa siya hindi humihinga. Humakbang na din siya palabas at tinungo na ang kwarto.

"What was that all about?" Tanong ni Leith sa kanya. Hindi niya namalayan na wala na pala sa silid si Nash. Umiling siya at binigyan lang ng matamis na ngiti si Leith.

"C'mon, you can tell me." Sinsero nitong pahayag. He kept up with her pace at tiningnan siya nang mariin. "Hindi tataas ang boses ni Nash kung walang nangyari."

She was tempted to tell him pero pinigilan niya ang sarili niya. Ayaw niyang umiba ang tingin ni Leith sa kabanda nito. What she's thinking right now is poison. And she cannot give him that.

"Calli?" Tawag sa kanya ng binata. Papalapit na sila sa gazebo at dinig na dinig na niya ang tawanan nina Caroline, Cato at Nash.

"I accidentally dropped his wallet on the toilet. Kaya napagsabihan niya ako." Pinasigla niya ang kanyang tinig para hindi ito maghinala. Mukhang naniwala naman ito, bagay na ipinagpasalamat niya.

Napabuntong-hininga ito. "God, I thought it was something awful. Forgive Nash. He can be some fucktard sometimes." Inilahad na nito ang kamay. "Let's go?"

She rolled her eyes at the sudden courtesy pero tinanggap niya pa rin ang kamay nito. Patakbo nilang tinungo ang gazebo at nakita niyang nakaupo din pala si Calvin doon. Seryoso itong nakatitig sa kanya. Taas baba nitong sinuyod siya ng tingin.

"Oh, you guys are finally here! Ba't natagalan kayo?" Tanong ni Caroline. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Nash pero ni wala sa kanila ang sumagot.

Umupo siya sa tabi ni Calvin at patay-malisyang pinuno ang bibig ng dalawang stick ng barbeque. "We got wet. Nagpalit muna kami ng damit sa kwarto." At patuloy na ngumuya. Napunta ang tingin niya kay Nash na tahimik na nagmamasid sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay saka tumingin sa ibang direksiyon. Wala itong karapatan na magalit sa kanya. Aksidente ang pagkakakita niya sa litrato ni Anabeth.

"Calvin, meet these bandboys performing on us for weeks now. Leith, Cato and Nash." Pagsisimula ni Caroline dahil ilang sandaling tahimik ang buong gazebo.

Pero walang imikan na nangyari dahil natanguan lang sila sa isa't-isa. Mabuti na lang at nagsidatingan ang mga maid para sa panibagong batch ng barbeque at inumin para sa kanilang lahat.

Nagbago ang mood ng inilabas ni Caroline ang baraha at niyaya ang lahat na maglaro ng poker. Ingay at tawanan ang pumuno sa gazebo. And she was surprised with Calvin dahil nakikipag-biruan na ito ngayon sa buong banda.

Hindi na siya sumali at nagpatuloy na lang sa pagkain ng barbeque. Siya ang taga-abot ng alak sa lahat. And it was awkward everytime na ire-refill niya ang baso ni Nash. Umiiwas siya ng tingin dito dahil sa nangyari kanina lang.

Nang bumalik siya sa tabi ni Calvin ay sumubsob ang mukha nito sa leeg niya.

"You're acting weird sweetheart." Bulong nito sa kanya sa gitna ng tawanan at asaran sa mesa. "Have you done something bad with one of these band boys?" Uminit ang pisngi niya nang marahan nitong hinalikan ang leeg niya.

My Nosy PaparazziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon