Chapter 23
"Crash!" Kumalabog sa sahig ang metal armor na suot-suot ng kalaban ni Caroline sa fencing. Agad niyang itinutok ang matalim niyang espada sa leeg nito.
"Alright...alright..ikaw na naman ang panalo, Caroline." Utas ng pinsan niyang si Diesel habang iwinawaksi ang blade na tinututok niya dito. Nag-alis ito ng takip sa mukha. Isang nakakalokong ngisi ang tumambad sa kanya.
Her gorgeous cousin was letting her win. Alam niyang sinasadya nitong maglampa-lampahan kanina habang naglalaban sila.
"Could you at least stop being a gentleman while we're on a fight?" Gigil na inalis niya ang protective mask sa mukha niya. Kumawala doon ang ginintuan niyang buhok.
"And make you wild and furious pagkatapos nun? Hell no, Caroline! Baka ipalapa mo ako sa mga bloodhounds mo dito. Kadarating ko lang dito sa palasyo. I want to enjoy my stay in here. And after that, I'll go jetsetting again." Tumayo na ito at nag-alis ng armor sa katawan nito. Lumapit ito sa katabing mesa at nagsalin ng wine.
Inis niyang tinitigan ang kanyang pinsan. Alam niyang nagbabakasyon lang ito dito pero natitiyak niyang marami na naman itong gagalawin na court ladies sa palasyo.
He will use his lethally handsome face and have his wicked ways with them. All of them. Wala itong pakealam kung maeskandalo man ito.
Kahit na nga ba prinsipe ito ng Spain.
Because there was no pressure in his part. Meron itong kapatid na kasalukuyang namumuno sa Spain. May mga anak ang mga ito. And his chances of being a ruler is far and impossible enough para mabigyan siya ng kalayaang mamili kung ano man ang gustuhin nito sa buhay.
Alam niyang gustong-gusto ito ni Diesel. There are no terms and rules na pwedeng makapagpabago sa pinsan niya.
At kinaiinggitan niya iyon nang lubos. His cousin could go anywhere, party everywhere and remove any woman's underwear.
Nag-rhyme pa talaga ang iniisip niya. She bit herself from laughing out loud.
"Something amuses you, cousin?" Tuya nito sa kanya. Nakataas nang bahagya ang perpekto nitong kilay. He was every inch of a total demi-god.
No wonder why girls open their legs everytime Diesel asks them to. He was everything a woman could possibly hope for. Tulad ng sa kuya niya. He had a beautiful arresting face, a royal title and his freedom na karaniwang ipinagkakait sa mga royalty.
Napabuntong-hininga siya. "Wala coz. I was just deep in thought. Mabuti at nandito ka ngayon sa palasyo." Nalaglag ang mga balikat niya.
"You're depressed." He tapped her shoulder. "Wala pa rin bang balita tungkol kay Calvin?"
"Actually ay meron na. Any day by now ay darating siya. He's-"
"Diesel! I'm so delighted to have you here. Kumusta ang kapatid mo sa Portugal?" Bungad ng papa niya dito.
Yumuko ang pinsan niya bilang paggalang at courtesy sa hari ng Monaco. "He's got his hands full as usual, your Highness."
"And you are not?" Tuya ng papa niya dito.
He lifted his hands in midair as if na sumusuko ito sa argumento nilang dalawa ng papa niya. "I've got my hands full as well, dear uncle. Pero hindi iyon sa Spain. Para iyon sa mga-"
"Hold your tongue lad. I know what you're about to say next. Ganyan na ganyan ang gawi ng papa mo habang nabubuhay pa siya. Mahilig sa mga babae." Naiiling na sagot nito pero nangingiti naman.
Sa daloy ng pag-uusap ng kanyang pinsan at hari ay unti-unti siyang nakalimutan ng mga ito. Tuloy-tuloy ang labas ng dalawa sa fencing arena.
Inayos na niya muna ang mga armor at equipment na ginamit nila kanina ni Diesel. Kahit na may dumadaan doong palace guard para ayusin iyon ay siya na mismo ang gumawa.
She needed a shower. Naglalakad na siya sa corridor nang agad niyang nakita ang mga nagkumpol-kumpol na guards sa labas. Namataan niya doon si Spyros.....at ang kuya niya!
"Calvin!" Lakad-takbo niyang tinungo ang kinaroroonan nito. She secretly eyed the crowd, wondering what his beloved farm girl looked like.
But there was none.
Nagtataka man ay sinugod niya ito ng yakap dahil sobra niya itong na-miss. "I've missed you brother!" Ginagap ng palad niya ang nakangiti nitong mukha. Kumunot ang noo niya nang nakitang may iilang pasa ito sa pisngi.
"Were your men responible for this, Spyros?" She instantly snapped out on his daddy's investigator. Babaliin niya ang mga buto nito kapag nagkataon.
"Don't be mean at them brat. " Natatawang saway sa kanya ng kapatid. Sinenyasan nito ang mga guwardiya at si Spyros na umalis na. Agad namang tumalima ang mga ito.
"I'm so glad you're back. Dad will surely give you a beating!" Pananakot niya dito kahit na hindi naman ito totoo.
"Ah. Quit the threat, Caroline. I won't buy that." Nilaro-laro nito ang buhok niya na parang bata.
Palagi nitong ginagawa iyon kapag nagtataray, nananakot at nagta-tantrums siya.
"Will you stop that!" Iwinaksi niya ang kamay nito mula sa buhok niya. "Anyway,where's that farm girl of yours?" Luminga-linga siya sa paligid. Baka nahihiya ang babae at nagtatago sa kung saan.
"Well?" Untag niya kay Calvin. Nagtaka siya nang makita ang madilim nitong mukha. Galit kaya ito?
"Let's get inside, Caroline." Pag-iiba nito sa usapan saka iginiya siyang pumasok ulit sa palasyo.
"Itatago mo ba siya kay papa?" Hindi makatiis na tanong niya sa kapatid. "When will I get to meet her? Did you hide her in your room?"
May nagdaang kalungkutan sa mga mata nito. Pero saglit lang iyon. Tumigil sa paglalakad ang kuya niya at hinarap siya.
"You will find no one in my room, Caroline. At wala akong itatago sa hari." Malamig na sagot nito sa kanya.
"B-but you said that you're wild and crazy about her? Na dadalhin mo siya dito sa Monaco? Dito sa palasyo?"
"I don't want to discuss that shit right now. My vacation's over at pagod ako. Be glad that I'm finally here at tuluyan ko ng gagampanan ang mga tungkulin ko dito sa-"
"Calvin!" Biglang pumagitna sa usapan nila si Diesel. Halatang nae-excite ito sa presensiya ng kanyang kapatid.
"How's my brute of a cousin? Balita ko ay mayroon ka daw conquest doon sa lugar na pinagtaguan mo?"
"Nah, forget about that Diesel. Rumor lang iyon at kalimutan mo na. If there's one then I consider it as another roll in a hay."
Nagkibit lang ng balikat ang pinsan niya at iginiya nito palabas ang kuya niya sa palasyo. "Alright, then. Since that you finally got your ass back here, then we will lose ourselves tonight with booze, cigar and pussies!" Hagikhik nito habang hinihila na nang tuluyan ang kapatid niya. Wala na itong nagawa kundi ang sumunod sa jetsetter nitong pinsan.
"Bye, Caroline! Be a good girl while we're away, okay?" Kindat ng animal na si Diesel.
May ideya na siya kung saan ang mga ito pupunta. And it would be in an exclusive high class bar nearby. Pero mabuti na iyon kaysa naman na magkalat pa ang mga ito sa loob ng palasyo.
Naiiling na tinanaw niya ang mga ito sa malayo. Boys will always be boys.
Her thoughts went back kanina sa pinag-usapan nila ni Calvin. Bakit ganoon na lang kadali kalimutan ang babaeng nakasama nito sa farm? Days ago ay excited pa ang kuya niya sa pagdadala ng lalaki sa Monaco.
He was serious in marrying that woman. Alam niya iyon kahit na nga ba nag-uusap lang silang dalawa sa phone. Her brother Calvin had never been wild and crazy before para lang sa isang babae. Wala itong natatagalang relasyon dahil mabilis itong mawalan ng gana.
Once na mawala ang thrill ng challenge ay mabilis nitong binibitawan ang isang relasyon like a freaking hot potato.
She can sense na tuluyan nang magbabago ang kuya niya sa susunod na mga araw.
---------

BINABASA MO ANG
My Nosy Paparazzi
RomanceNagpunta si Calli sa kanilang probinsya para magkaroon ng break sa kanyang trabaho bilang isang paparazzi.Ngunit dala-dala niya ang assignment ng kanyang boss na sundan ang naglokong bastard royalty. It was an offer she can never refuse and can neve...