Chapter 34

140 6 2
                                        

Chapter 34

"I will be gone for a month. I expect that you two will behave in such a way na hindi nakakaeskandalo." Bilin sa kanila ng ama. Marahan itong naglalakd nang pabalik-balik habang sinusuri silang dalawa ni Caroline.

Calvin sighed. How many times does his father need to supervise them as if they were just kids? Caroline's twenty and he's twenty-seven already. Goddamn save him from all the boredom he could get from his father's orders.

Pero ibang araw ito ngayon. Merong pupuntahan ang kanilang ama at mawawala ito ng isang buwan. Hindi na siya umangal nang tinambakan siya nito ng iba't-ibang gawain sa palasyo. He had to entertain nobles from other neighboring kingdoms.Meron ding pagsasalo na dapat niyang daluhan dahil sa utos ng kanyang ama.

"Of course, father. We would be very, very good in here while you're away." Sagot ni Caroline sa kanilang ama. Alam niyang nasisiyahan ito ngayon dahil magagawa nito ang kanyang gusto dahil wala sa paligid ang hari.

"Good." Isang maikling tugon ang iginawad ng kanyang ama para sa kapatid. "Inaasahan ko ang pagbibihis mo nang maayos pagbalik ko dito. Because when I come back, kasama ko na si King Dastan. Mapapaaga ang pagpunta niya dito. I hope to see you womanly kapag kaharap mo na ang mapapangasawa mo." Sa sinabing iyon ng kanilang ama ay biglang umasim ang mukha ni Caroline. He could really see the rebellion on her face. He could tell that she is so displeased with their father's plan of marrying her off to some foreign king from an unknown land.

"Have I made myself clear, Caroline?"

Hindi nakasagot ang kanyang kapatid. Ramdam na ramdam niya ang disgusto at pagtutol nito sa utos ng hari.

"I assure you that she will be properly groomed in a month's time, father." Siya na mismo ang sumagot para kay Caroline para tigilan na ito ng kanilang ama.

"Aasahan ko iyan. Basta gawin ninyo ang pinag-uutos ko. I expect to hear no shame and scandal when I get back in here." Unti-unti na itong naglakad papunta sa limousine nito.

Hinatid nila ang hari hanggang sa makapasok ito ng sasakyan. Nakita nilang humabol ang pinsan nilang si Diesel sa pamamaalam sa hari.

"Have a safe trip, Uncle King!" Para baliw itong kumaway sa kanilang ama habang nasa loob ng sasakyan.

"You behave as well, Diesel." Pahabol nitong sagot bago humarurot ang sinasakyan nitong limousine palabas ng gate. Nang tuluyan na itong nawala ay napabuntong-hininga si Caroline.

"At least for awhile, we are out of our leashes. Wala ang amo natin." Inakbayan niya ang kapatid para gumaan ang pakiramdam nito.

"For awhile,Kuya! For awhile!" Tila hindi ito kuntento kahit na umalis ang hari. "What shall I do? The whole idea of marrying a savage king pisses me off!" Himutok nito sabay sandal sa kanyang balikat.

"I will go check out this man first. If he is a complete asshole then I will be the one to maul him to death, royalty or not."

"You'd really do that?" Manghang tanong ng kanyang kapatid.

"Awwww, Rollie. We would kill for you if need be." Dagdag ni Diesel saka dumantay ang kamay nito sa buhok ng kanyang kapatid.

"I love you both, you dummies." His sister squirmed in his arms. Marahan niyang sinuklay ang ginintuan nitong buhok gamit ng kanyang mga daliri. He gave her a peck on her hair saka niyakap ulit ito.

"Now that the king's not around, you're the boss Cal!" Natatawang deklara ni Diesel sa kanya. Alam niya kung saan patungo ang pagsasayang iyon ng kanyang pinsan. For sure his cousin would ask him to have a huge party inside the palace. Paniguradong mag-eeskandalo na naman ito.

My Nosy PaparazziTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon