CHAPTER 2

807 85 12
                                    

                             CHAPTER 2

JANNA’S P.O.V.

Kanina pa ako gising pero tinatamad akong bumangon. Alas tres na kasi nang umaga ako nakatulog. Nagpuyat ako kagabi. Simula nang pumasok ako sa RPW, palagi na akong late matulog. Minsan inaabot na ako nang umaga kaka-online.

Tatlong buwan na nang pasukin ko ang RPW. Noong una ay boring pa dahil baguhan pa lang ako, pero nang umabot na ako nang ilang linggo sa RPW ay hindi na gaanong boring dahil sa medyo nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan. May mga ma-attitude na rp’ers, meron namang mababait. Madali lang makisama sa kanila.

Sa tatlong buwan ko sa RPW ay wala pa akong naging kasintahan doon. A lot of boy role players wanted to court me but I rejected them. I don’t want to be in a relationship, lalo na sa RPW. It’s a fake world. Baka kapag pumasok ako sa relasyon dito sa RPW ay masaktan lang ako.

Peke ang lahat sa RPW kaya nakatatakot makipagrelasyon dito kasi baka peke rin lang ang maging relasyon niyo at peke pa ang nararamdaman ng karelasyon mo sa ‘yo. ‘Yong pinaparamdam niya sa ‘yo ay parang totoo pero kapag hulog na hulog ka na sa kaniya bigla kang sasabihan na “peke lang ang mundong ito kaya peke rin ang pinaramdam ko sa ‘yo. It’s an RPW. Lahat ay peke kaya huwag kang umasang totoo ang nararamdaman ko para sa ‘yo. Lahat nang pinaramdam ko sa ‘yo is just a part of being a role player”.

Ayaw ko talagang masabihan nang gan’yan. Hindi sa advance ako mag-isip, sadyang iniisip ko lang ang mga posibleng mangyari kapag nakipagrelasyon ako sa RPW. Ayaw ko lang talagang masaktan lalong-lalo na rito sa RPW.

Bumangon na ako at pumunta sa maliit kong banyo para maghilamos.

“Ah!” hiyaw ko. Muntik pa akong madapa. May mga lumot na ang sahig ng banyo ko. Madulas, kaya muntik-muntikan na akong madapa dahil sa dulas nito.

Dali-dali na akong naghimalos para makalabas na ako sa banyo. Natatakot ako na baka tuluyan akong madapa dahil sa sobrang dulas ng sahig. Kaagad akong lumabas sa banyo nang matapos na akong maghilamos. Pumalit ako ng short at damit. Pagkatapos ay lumabas na ako sa k’warto para mag-almusal.

Nang nasa kusina na ako ay kaagad akong nagtimpla ng gatas. Hindi ako p’wede magkape dahil nag-pa-palpitate ako, kaya gatas lang ang iniinom ko. Nilagay ko sa lamesa ang gatas na tinimpla ko pagkatapos ay pumunta ako sa refrigerator. Binuksan ko ito at tiningnan kung may ulam na tira sina Mama. Napangiwi ako nang makita ko na walang ulam. Lalo pa akong napangiwi nang makita ko ang ampalaya na sigurado akong lulutuin mamaya ni Mama para pang-ulam mamayang tanghalian. Hindi ako kumakain ng gulay na ampalaya kasi masyadong mapait. Sinubukan kung kumain n’yan dati kaso nabibilaukan ako dahil sa nahihirapan akong lunukin iyon sa sobrang pait.

Kumuha na lang ako ng kanin sa rice cooker. Gatas na lang ang i-uulam ko. Masarap naman i-ulam ang gatas sa kanin eh.

Nagsisimula na akong kumain nang pumasok si Mama sa kusina.

“Mama, saan po kayo galing? Hindi ko kasi kayo nakita paglabas ko sa kwarto ko kanina,” ani ko habang ngumunguya at hawak ang tasa na may gatas.

“D’yan lang. Kagigising mo lang? Buti hindi ka naubusan ng ulam.” Wala sa akin ang atensiyon niya kaya siguro hindi niya nakita na gatas lang ang ulam ko. Hindi naman kasi talaga mapapansin iyon. Maputi ang kanin at puti rin ang gatas, medyo malalim din ang plato na gamit ko kaya hindi talaga iyon makikita ni Mama.

“Wala ngang tira, ‘Ma. Gatas na nga lang inulam ko,” ngumiwi si Mama pagkatapos ko na sabihin iyon. May mali ba sa pag-uulam ng gatas? Ang sarap kaya. Ngumisi na lamang ako sa naging reaksyon ni Mama.

“Mas masarap kung kape ang inulam mo, ‘nak.” Akala ko kaya siya ngumiwi dahil pangit para sa kaniya ang lasa ng gatas kapag inulam sa kanin, ‘yon pala ay mas gusto n‘ya ang kape i-ulam. “Kaso bawal ka sa kape.” dagdag niya pa.

Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain.


KYLE’S P.O.V.

“Clyde Vexon?” tanong ko kay Hance nang makapasok siya sa bahay. ‘Yan daw ang pangalan na gagamitin ko sa RPW, ichinat ‘yan ni Hance sa ‘kin sa conversation namin kanina sa messenger.

“Bakit ‘yan ang naisip mo?” Nandito kami sa bahay nag-uusap. Nag-private message kami kanina. Pinapunta ko siya dito sa bahay para pag-usapan ang tungkol nga sa gagamitin kong pangalan sa RPW. Hindi na kami nag-chat pa sa group chat namin dahil nandoon ang mga baliw naming kaibigan, baka masira ang pag-uusap namin doon dahil magkakalat na naman ang mga iyon. Minsan iniisip ko kung bakit ko sila naging kaibigan. Mga isip bata, hindi yata nila alam ang salitang grow up. Tsk!

“Ewan ko rin kung bakit ‘yan ang naisip ko,” isang gago rin pala ang kausap ko.

“Ulol! Seryoso nga kasi, dre.” Hindi ko na napigilan ang inis ko. Nag-uusap nang maayos tapos biglang magbibiro.

“Ang g’wapo kaya bigkasin, parang tayo,” anito. Nag-pogi sign pa ang depungal. Akala ko serious type ang gagong ‘to, mahangin din pala. “Pero seryoso dre, ang astig ng pangalan tapos ang surname ay ang napagkasunduang gagawin nating hood sa RPW. Vexon Sis’brohood. ‘Di ba ang astig?” Paliwanag ng ungas na ito.

“Okay, iyan na lang. Nakakatamad mag-isip ng pangalan.” Kakatamad naman talagang mag-isip at isa pa wala akong maisip na gagamiting pangalan kaya kailangan ko na lang sumang-ayon sa kaniya, sila naman ang nag-yaya saking pasukin ang RPW. “Ikaw na gumawa niyan. Tinatamad ako.”

“Sure!”

Nagtipa na siya sa kanyang cellphone. Dalawang minuto lang yata ang lumipas ay nagawa niya na ang account. Sinabi niya ang password at email sa ‘kin. Ini-log in ko na ito.

“Welcome sa RPW,” anito at tinapik ang balikat ko. Tipid na lamang akong ngumiti. Nabuksan ko na ang account. Wala pang profile picture dahil wala pa akong maisip na gagawing portrayer.

Iniisip ko, bakit ba ako pumasok sa pekeng mundong ito? Hindi naman ako mahilig makipag-socialize. Sinasabi pa nga ng iba na snobber ako kahit hindi naman iyon totoo. I’m not a snobber I just don’t know how to socialize. Nagiging madaldal naman ako kapag komportable ako sa kausap ko. Marunong ako makipagbiruan at makipag-asaran, madalas nga lang mapikon.

Kapag hindi ko ka-close ang kumakausap sa ‘kin ay tipid lang ang sagot ko. Kaya karamihan nang lumalapit sa akin sinasabing masungit daw ako. Hinahayaan ko na lamang, ‘yon ang pagkakakilala nila sa akin. Basta ang importante alam ko sa sarili ko na hindi ako masungit, snobber o kahit ano pang inaakala nila sa akin.

“Clyde Vexon, ‘yan account name ni Kyle sa RPW. Add niyo na lang para masimulan na nating gawin ang bubuohin nating hood.” Basa ko sa bagong chat ni Hance sa group chat namin.

“Uwi na ako, dre,” paalam ni Hance sa ‘kin.

“Sige. Ingat.” Sinamahan ko siyang lumabas sa bahay. Nag-fist bump muna kami bago siya tuluyan naglakad pauwi sa kanila.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon