CHAPTER 19

256 31 0
                                    

                             CHAPTER 19

KYLE’S P.O.V.

“Mahal! Kyle! Tama na muna ’yan! Tanghali na, kain muna tayo!” sigaw ni Mama na nasa may kubo medyo may kalayuan sa kung nasaan kami ni Papa.

Marami na kaming naaning mais. Nangangalahati na ng maisan ang naani namin, baka matapos namin ito ngayong araw.

“Tara na muna anak, kain daw muna tayo sabi ng Mama mo.” Yaya sa akin ni Papa saka tumayo nang tuwid.

Medyo may kababaan kasi ang puno ng mais kaya kailangan pa naming yumukod para makuha ang mga ito.

“Sige po,” tugon ko saka pinagpagan ang kamay at jacket na pangsaka na gamit ko.

Magkasabay kaming naglalakad ni Papa papunta kubo. Dito na si Mama nagluto nagdala na lang ng bigas na sasaingin at ang ulam ay dati ng luto nang dalhin namin kanina ni Mama. Ang tubig ay ’di na namin kailangan pang dalhin dahil may poso naman dito sa bukid, dito mismo sa may kubo na pinaglutuan ni Mama, sinadya talaga ni Papa na magpalagay ng poso rito na pwedeng inumin ang tubig para hindi na magdala pa ng tubig at hindi na mahirapan pa kaming magdala. Dito rin kumukuha ng inumin ang mga magsasaka na may dalang baon. Ayos naman iyon kay Papa dahil pinalagay niya talaga iyong poso para sa mga magsasaka para may pagkukuhanan sila ng tubig na iinumin kapag nakaramdam sila ng uhaw.

“Ito anak, plato mo.” Bigay sa akin ni Mama ng platong babasagin.

Kaagad ko naman itong kinuha 'saka naghugas ng kamay. Magkakamayan kami dahil walang dinalang kutsara at tinidor si Mama.  Nang makahugas na ako ng aking kamay ay kaagad akong sumandok ng kanin na bagong saing lang sa kaldero. Nang malagyan ko na ng kanin ang hawak kong plato kumuha naman ako ng adobong manok na sa bahay na niluto ni Mama.

Nagdasal muna kami nang taimtim bago kami kumain. Nang matapos na kami sa pagdarasal ay kaagad na kaming kumain.




JANNA’S P.O.V.

Nawalan ako ng gana mag-online nang mabasa ko ang chat ni Clyde kaya pagka-seen ko ng chat niya ay nag-offline ako kaagad. Wala na nga siyang pasok pero hindi pa rin kami magkakausap, hindi ko mapigilan na hindi manlumo.

Dalawang linggo na nga kami walang matinong pag-uusap dahil tuwing gabi na lang siya nag-o-online dahil hectic na ang time niya. Dati hindi naman ganun dati, kapag break time na nila nag-o-online naman siya pero this past few weeks hindi. Kahit limang minuto lang sana pero wala ehh hindi talaga siya nag-online. Naiintindahan ko naman siya kung bakit ganun pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot.

Tanghali na pero hindi pa rin ako lumalabas sa kwarto ko, hindi pa nga ako nakapag-almusal, kahit kape lang wala dahil nga sa nawalan ako ng gana.

“Janna! Anak! Tanghali na, lumabas ka na riyan kakain na tayo!” rinig kong tawag ni Papa sa akin. Nandito si Papa ngayong dahil hindi siya namamasahe kapag sabado.

“Wala po akong ganang kumain, Papa!” pasigaw kong sabi.

“May problema ba anak? May sakit ka ba?”

“Wala po Papa, wala lang po akong gana.”

“Pero hindi ka nag-almusal kanina, baka magkasakit ka niyan.” Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ni Papa.

“Ayos lang po ako, Papa.”

Pati tuloy ang pakikitungo ko kay Papa ay naaapektuhan dahil sa mood ko ngayon.

“Okay, 'nak. Basta kakain ka ahh.” Puno ng paninigurado ang tono ni Papa.

“Opo, Papa. Promise.”

Hindi na sumagot pa si Papa, tanging yabag na lang nito papalayo ang naririnig ko.

Gusto kong mag online pero wala naman akong kausap. Si Via deleted na ang account, ayaw niya na raw kasi mag-rp. Hindi niya sinabi ang real account niya kaya wala kaming communication. Wala rin naman akong ibang kaibigan sa RP tanging si Via lang talaga kaso nag-delete account na.

Iniinitan ako kaya naisipan kong maligo muna.

Kumuha ako ng mga susuutin ko at nilagay ito sa higaan saka tumungo na sa banyo ko para maligo.

Ilang minuto lang ay natapos na akong maligo. Itinapis ko sa katawan ko ang tuwalyang puti na nasa banyo ko na. Lumabas ako sa banyo nang matapos na akong magtapis.

Tanging oversize shirt at maikling cotton short lang ang suot ko. Ipinulupot ko sa buhok ko ang tuwalyang gamit ko kanina sa basa kong buhok para madali itong matuyo. Nasira ko ang blower na binili ni Mama sa akin kaya punas punas na lang sa buhok ang ginagawa para tuyuin ito.

Nang nasisiguro ko na hindi na wala nang tutulo na tubig sa buhok ko ay tinanggal ko na ang tuwalyang nakapulupot dito. Sinuklay ko ang buhok ko habang nakaharap sa whole body mirror na nasa kanto ng kama ko malapit sa pintuan. Sa mga nakalipas na buwan ang buhok ko na hanggang leeg ko lang ngayon ay hanggang balikat ko na ito. Medyo mahaba na rin.

Pagkatapos kong suklayin ang buhok ko ay walang ayos-ayos na lumabas ako ng kwarto ko. Medyo nagugutom na rin kasi ako.

Nang makarating ako sa kusina naabutan ko si Papa na naghuhugas ng pinagkain nila ni Mama.

“Papa, asan na po si Mama?” tanong ko kay Papa dahil ata sa nagulat ay napapitlag ito.

“Nanggugulat ka naman anak eh! May pinuntahan ang Mama mo ewan ko kung saan, nagmamadali eh.” Tutok na ito ulit sa paghuhugas kaya hindi ako nito tiningnan man lang.

Tangkang lalapit na sana ako pinaglalagyan ng plato nang lumapit sa akin si Papa at 'saka ibinigay sa akin ang bagong hugas na plato na sigurado ako na iyon ang hinugasan niya pa naman.

“Ano po ang ulam, Papa?” tanong ko saka umupo na sa upuan at inilagay ang plato na binigay sa akin ni Papa kani-kanilang.

“Sinigangan na karneng baboy. Ako nagluto niyan,” pagbibida nito.

Inalis ko na ang nakatakip na planggana na alam ko na kanin at ulam ang natatakpan niyon.

Naayos na ni Papa ang mga platong nuhugasan niya na kaya nagpunas na ito ng kamay. "Anak, hugasan mo na lang iyang kinainan mo pagkatapos mo ahh."

"Sige po, Papa," magalang na sagot ko 'saka nagsimula nang magsandok ng pagkain para makapagsimula na akong kumain.

Hindi na nagsalita pa si Papa. Lumabas na ito sa kusina ako naman ay nagsimula nang kumain.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na ang platong pinagkainan ko gaya nang habilin ni Papa.

Nagwalis ako sa loob ng bahay para lang may pagkaabalahan ako. Hindi ko na nakita si Papa kaya sigurado ako na nasa bahay ito ng ninong ko.

Natapos na ako sa mga pwedeng gawin kaya hindi ko na alam kung ano na naman ang gagawin ko para mawala itong ka-boring-an ko.

“Makatulog na nga lang, wala naman akong maisip na gawin para pagka-interasan, para mawala ang ka-boring-ngan ko!” medyo naiinis ko nang bulong sa aking sarili.

Lumakad na ako papunta sa kwarto ko. Nang makarating ako rito ay kaagad na akong nahiga sa aking higaan at pilit na pinipikit ang aking mga mata hanggang sa dalawin ako ng antok at nakatulog.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon