CHAPTER 15

296 37 0
                                    

This chapter is dedicated to aly-Ross

                           CHAPTER 15

THIRD PERSON’S P.O.V.

Napakaraming notifications ang bumungad kina Janna at Kyle pagkabukas na pagkabukas pa lang nila ng kanilang rp account, dahil iyon sa in a relationship status nila.

Walong daang reacts at mahigit limang daang mga komento mula sa mga kaibigan nila at random rp’er. Lahat lang naman iyon ay kino-congratulates sila and wishing their relationship to be stronger.

Pareho nilang ni-reply-yan ang mga ito ng pasasalamat. Mayroon pang nakita si Janna na pang-aasar galing sa mga ka-hood ni Kyle.

“Good morning, Hon.” Bati ni Kyle kay Zyrie

“Good morning din. Dapat naligo ka na, baka ma-late ka pa. Inuna mo pa ang pag-chat sa akin kaysa maghanda para sa pagpasok sa eskwela.” Sermon ni Janna. Dahil doon ay napakamot si Kyle sa ulo niya dahil ang aga-aga ay nakatanggap kaagad siya ng sermon galing sa kaniyang nobya.

“Maaga pa naman, Hon. It’s 6 o’clock pa lang, 8:00 am pa first class namin.”  Pagdadahilan ng binata. Matigas talaga ang ulo nito kaya mahirap itong pasunurin.

“Kahit na, sana naligo ka na para magbibihis ka na lang. Kapag ikaw na-late hindi talaga kita kakausapin o hindi ako mag-o-online nang isang linggo.” Pananakot ng dalaga na para bang iyon ang pinakamagandang panakot para mapusunod ang kasintahan.

“Walang ganyanan, Hon. Okay fine. Maliligo na ako. Nakapag-almusal na ako sana ikaw din. Sige maliligo muna ako. Bye for now, Hon.” Paalam ng binata saka nag-offline.

Pagka-offline na pagka-offline ni Kyle sa RPA niya ay kaagad na siyang naghanda para maligo. Nakangiti siya dahil maganda ang simula ng umaga niya, una niyang nakausap ang kan’yang kasintahan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na girlfriend na niya ang babaeng pinapangarap niya. He will do everything huwag lang mawala ang babaeng pinakamamahal niya.

Nagsimulang maligo si Kyle na may ngiti sa mga labi.











HABANG naghihintay si Janna na mag-online ang kasintahan ay inaayos niya ang kan’yang higaan. Kanina gusto niya pang matulog dahil sa medyo inaantok pa siya pero nang mag-chat sa kan’ya si Kyle ay nawala ang antok niya, kaagad na sumigla ang mukha niya nang makausap niya na ang kaniyang kasintahan.

Mahal niya ang binata kaya hindi siya nagdududa na baka masaktan lamang siya nito, ramdam niya na mahal din siya nito kaya hindi siya natatakot na masaktan dahil sigurado siyang hinding-hindi iyon mangyayari.

Habang nagliligpit ng hinigaan niya si Janna ay biglang tumunog ang messenger niya, RPA niya ang naka-log in sa messenger niya kaya hindi na siya nagtaka nang tumunog ito. Iniisip niya na baka si Clyde na ito kaya itinigil niya muna ang pagliligpit nang hinigaan niya at kaagad na kinuha ang cellphone niya saka binuksan ang kaniyang messenger.

Tama nga ang akala niya, si Clyde nga ang nag-chat sa kaniya pero nalungkot siya nang mabasa ang chat nito. Hindi na raw ito makakapag-online ngayong umaga, baka raw hapon na ulit, dahil sa inaya na ito ng mga kaibigan na pumunta na ng school.

Dahil sa nabasa ay bumalik na lang si Zyrie sa pagliligpit ng hinigaan niya. Nakanguso siya habang nagliligpit, hindi katulad kanina na ang sigla-sigla niya na para bang nakuha niya ang kaniyang paboritong kendi.

Nang matapos siya sa pagliligpit ay naupo siya sa kawayang upuan sa kuwarto niya. Balak niyang maligo pero iniisip niya na baka malamig ang tubig kaya nagbago ang isip niya, mamayang tanghali na lang siya maliligo.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon