CHAPTER 14

290 38 2
                                    

This chapter is dedicated to GoodnightCallisto

                             CHAPTER 14

THIRD PERSON’S P.O.V.

“Sorry ngayon lang ako nakapag-online, marami kasi akong ginawa ngayon kaya gabi na ako nakapag-online." Paghihingi ni Kyle ng paumanhin kay Janna

Iyon kaagad ang i-chinat ni Kyle sa dalaga pagka-online na pagka-online niya pa lang. Nakita niya na online ang dalaga kaya chinat niya kaagad ito.

“Ayos lang iyon, naiintindihan ko naman. Pasukan niyo na bukas kaya alam kung marami kang inayos para bukas, like buying school materials or stuffs.” Sinserong reply naman ni Janna kay Kyle.

“Ikaw, hindi ka na ba nag-aaral?”

“Nag-stop ako ngayong school year, tinamad kasi mag-aral.”

“Sayang naman ang taon. Anong grade ka na sana?” pag-uusisa pa ni Clyde kay Zyrie. Gusto niya lang malaman kung anong grade na ba sana ang dalaga.

“First year college na sana. Ewan ko ba kasi kung bakit ako tinamad.” Pagsi-sinungaling ni Zyrie. Hindi totoong tinamad siya mag-aral, hindi siya nag-aral ngayon dahil sa hindi niya alam kung anong kurso ang kukunin niya. Nagtapos siya ng senior high school ng hindi pa rin alam ang kursong kukunin sa college, dahil doon huminto siya ngayong school year.

“Tinamad o hindi alam ang kursong kukunin?” Nahuli siya roon.

Manghuhula ba ang lalaking ito?

Tanong ni Janna sa kaniyang sarili. Dahil doon hindi kaagad siya naka-reply sa binata.

“Tama ako ano? Hindi mo alam ang kursong kukunin kaya ka nag-stop ngayong school year.”

"Oo na tama ka na! Bakit naman kasi ang hirap mag-decide?"

“Hindi na ako magtataka kung nagtapos ka ng senior high school na GAS ang strand, undecided eh.”

Bakit ganito ang lalaking ito? Manghuhula ba ito?

Mga tanong ni Janna sa sarili.

“Manghuhula ka ba? Bakit alam na alam mo?” Hindi na ni napigilan ang sarili na itanong iyon kay Kyle.

“Hindi ako manghuhula, sadyang g’wapo lang kaya alam ko.”

“Babagyo yata, medyo lumalakas ang hangin eh.” Natatawa si Janna habang hinihintay ang reply ni Kyle.

“Huwag kang lalabas ah, baka kasi tangayin ka ng hangin.”

“Gago!”

“Ayy nagmumura. Kung magkasama tayo, nakatanggap ka na sana sa akin nang sandamakmak na halik” Hindi mapigilin ni Kyle na mapangiti sa usapan nila ni Janna. He can help himself to fall in love with Janna. Sa bawat usap nila ay malalim na pagmamahal ang kan’yang nadarama para sa dalaga.

“Parang magpapahalik naman ako sa ’yo.” Kinikilig na reply ni Zyrie rito.

Biglang pumasok sa isip ni Janna na balak na pala niyang sagutin si Kyle ngayon din, bigla tuloy siyang kinabahan at nanlamig.

“Hahalikan pa rin naman kita kahit ayaw mo kapag narinig kitang magmura,” giit ni Kyle na nakangiti habang tinitipa ang mensaheng iyon hanggang sa ma-send iyon ay nakangiti pa rin siya, hindi na yata iyon maaalis sa tuwing kausap niya ang dalaga.

“Ede hindi ako magmumura kapag kasama kita.”

“Nangangarap ka ring makasama ako?”

Hindi na naman naka-reply kaagad si Janna dahil sa tanong na iyon ni Kyle.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon