SPECIAL CHAPTER (PART ONE)

363 32 3
                                    

              SPECIAL CHAPTER (PART 1)

KYLE’S P.O.V.

“Kyle, may sasabihin kami ng Papa mo sa ‘yo,” masayang sabi ni Mama sa akin. Halata sa mukha ni Mama na maganda ang kanilang sasabihin.

“Ano naman po iyon, Mama?” Itinigil ko muna ang pagtipa sa cellphone ko. Nag-lalaro kasi ako ng piano tiles na game sa cellphone ko

“May one week vacation tayo papunta sa Bicol. Biglaan din eh. Pasimuno mga tito mo. Gusto raw nila makita mga kapamilya natin doon.” Si Papa iyon na nakaakbay kay Mama.

“Akala ko po hindi na matutuloy? Huwag kayong PDA!” singhal ko.

Ang landi ni Papa. Nakaakbay na nga kay Mama, hinahalik-halikan niya pa ito sa ulo. Masyadong PDA.

“Tuloy na anak. One week tayo roon, medyo matagal na rin iyon. Makakapag-bonding ka na sa mga pinsan mo roon. Huwag mo lang silang susungitan, masungit ka pa naman sa ibang tao.” Hinihimas-himas ni Papa ang ulo ni Mama pagkatapos niya itong halikan. “Saka Kyle, hindi kami nag-P-PDA ng Mama mo. Mahal ko lang ang Mama mo kaya ako ganito sa kaniya. Inggit ka lang kasi ang girlfriend mo hindi mo mahalikan. Saan mo nga ulit iyon nakilala? Sa BRW ba iyon o RCW?” nang aasar na sabi nito.

Muntik na akong matawa sa pinagsasabi ni Papa. “RPW po ,Papa. Hindi BRW o RCW. Pinagsasabi mo riyan?” Nagpipigil pa rin ako ng tawa. Nakakatakot baka sapukin ako ni Papa kapag tinawanan ko siya.

“Iyon nga, anak,” alanganing turan ni Papa saka hinalikan ulit ang ulo ni Mama.

“Para kayong sirang mag-ama. Oh siya punta na tayo sa kusina para makapag-tanghalian na tayo,” saad ni Mama  saka naglakad na papunta sa kusina na agad namang sinundan ni Papa.

Magkasabay kaming sumunod ni Papa kay Mama na nag-ngingisian pa.

“Ano po ang ulam, Mama?” tanong ko pa rin dito.

“Ampalaya,” tipid lamang na sagot nito.

Biglang nalukot ang mukha ko nang marinig ko ang ampalaya. “Ayy...” tanging nasabi ko na lamang habang lukot pa rin ang mukha.

Napansin iyon ni Papa kaya agad ako nitong pinuna, “Lukot na naman ang mukha mo, narinig mo lang ang ampalaya. Masarap iyon, ‘nak,” anito saka tinapik ang balikat ko.

“Eh kasi ampalaya na naman, alam naman ni Mama na hindi ako kumakain niyan kasi mapait,” giit ko sa mahinang boses.

Hindi na lang nagsalita si Papa. Inunahan na lang ako nito na pumasok sa kusina kung saan nandoon na si Mama.

Mabigat ang loob na pumasok din ako sa kusina. Napangiwi ako nang makita ko ang ampalaya na nakalagay na sa bowl.

“Mama naman eh, ano’ng i-uulam ko? Hindi nga ako kumakain niyang ampalaya na ‘yan.” Ngumuso na lang ako at labag sa loob na umupo sa upuan at kumuha ng plato saka nilagyan ng kanin.

“Masustansiya ‘yan, Kyle. Huwag nang magreklamo buti nga may nakahanda eh hindi katulad sa iba na nasa kalsada na nanlilimos para may maibili nang makakain.” Sumandok na ito ng ulam na ampalaya saka nilagyan din niya ang kay Papa.

“Salamat, Mahal,” masayang sabi ni Papa at nagsimula nang kumain.

Dahil sa wala akong choice napilitan na lang akong kumuha ng ampalaya.

Nag-da-dalawang isip ako kung kakain ko ba iyong ampalaya sa plato ko dahil kapag tinitingnan ko ito, napapangiwi lang ako.

“Kain na, ‘nak, masarap ‘yan lalo na’t ang Mama mo ang nagluto,” pangungumbinsi ni Papa sa akin at kinain ang ampalaya na sinandok niya sa kaniyang plato kaya napangiwi ako ro’n.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon