SPECIAL CHAPTER (PART THREE)
THIRD PERSON’S P.O.V.
ALAS k’watro pa lang ay gising na si Kyle. Gising na rin ang kaniyang magulang para magluto nang kakainin nila habang nasa b’yahe. Nagbago kasi ang oras ng b’yahe nila. Imbis na alas syete ng umaga’y ginawa ng alas sais, kaya maaga talaga siyang gumising. Minsan kasi’y tanghali na siyang nagigising.
Sigurado siyang nag-aayos na rin ang mga kaibigan niya at ang mga magulang nito. Hindi muna siya bumangon dahil medyo nananakit ang kaniyang katawan. Palagi naman itong nangyayari. Sa tuwing gigising siya’y masakit ang katawan niya.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone na nasa ilalim ng unan niya. Sanay siyang ilagay ito roon.
Nakapatay ang cellphone kaya binuhay niya iyon. Nang mabuhay, hinintay niyang magka-signal ito. Ilang segundo ay mayroon na itong signal. Kaagad niyang binuksan ang data nito saka nag-facebook. Binukas niya muna ang real account niya para tingnan kung online na ba ang kaniyang mga kaibigan.
Nang makitang ang ingay ng group chat nilang magkakaibigan napailing siya. Iba-iba ang topic ng mga ito. Si Wilbert at Albert ay tungkol sa pornograpiya na pinapanood nilang magkasabay ang topic. Si Alexa at Angel ay tungkol naman sa mga g’wapo raw na nakita nila sa palengke. Si Hance naman ay taga-react lang sa mga chat ng mga kaibigan niya. Siguradong hindi ito makasabay sa usapan ng iba niyang kaibigan.
KYLE: @Hance mag-log out ka na lang hindi ka naman maka-relate sa kanila.
Chat ni Kyle na kaagad namang ni-reply-yan ni Hance.
HANCE: Ayos lang. Nag-e-enjoy naman akong panoorin at basahin ang mga walang k’wenta nilang topic lalo na ‘yang mag-pinsang @Albert at @Wilbert.
Dahil sa sinabi ni Hance ay lumapag ang adik sa porn niyang mga kaibigan.
WILBERT: @Hance manood ka na lang din kasi. Ang ganda kayang manood ng porn. May makukuha kang knowledge kung paano mo paliligayahin ang future wife mo at kung paano kakaldagin ito.
ALBERT: Agree ako sa ‘yo insan @Wilbert. Kung ako sa ‘yo @Hance manood ka na lang din. Ikaw din @Kyle.
KYLE: 🖕🖕🖕🖕🖕🖕
HANCE: 🖕🖕🖕🖕🖕🖕
Nakabungisngis sina Wilbert at Albert dahil sa naging reply ng kanilang mga kaibigan na parehong wala amor sa pornograpiya.
ANGEL: Huwag kayong makinig sa magpinsang ‘yan, @Hance at @Kyle. Hindi raw maganda ang dulot ng pornograpiya. Lalo na kapag naging sugapa kayo sa panonood niyan baka may magawa kayo na hindi dapat. ‘Yan lesson natin sa Edukasyon Sa Pagpapakatao simula grade 7 hanggang grade 10.
ALEXA: Tama si @Angel. Wala kayong makukuha sa panonood ng porn. Masama lang ang idudulot ng panonood ng ganiyan. Instead wasting your time and load in watching those videos, why don’t you read some books na makatutulong sa inyo sa college. Iyong mga libro na konektado sa kursong kukunin niyo sa college. O kaya naman maglaro na lang kayo ng mga mobile games na mahahasa ang utak niyo.
ANGEL: 99.9% agree ako kay @Alexa. Kaysa magsayang kayo ng load sa panonood ng porn, manood na lang kayo ng blog sa YouTube na connected sa kurso niyo sa college. Maari ngang g’wapo hunter kami ni @Alexa, pero hanggang doon lang iyon. Mahalaga pa rin ang pag-aaral sa amin, kasi iyon lang ang pamanang maibibigay sa atin ng mga magulang natin.
Napangiti na lang si Kyle sa chat ni Alexa at Angel. Kahit hayok na hayok ang dalawang ito sa mga g’wapo pero iniisip pa rin ng mga ito ang pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Meeting You In RPW
Teen FictionCOMPLETED! RPW LOVE STORY What if the girl whom afraid to enter in a relationship to this so called fake world named RPW or Role Player World, and the boy whom just new to this world met? Will they have a long lasting love in this world or will just...