CHAPTER 3
KYLE’S P.O.V.
Nagbabasa ako ng impormasyon tungkol sa RPW. Nag-research pa ako sa google. Gusto kong magkaroon ng kaalaman tungkol sa RPW. Hindi ko pa ulit binubuksan ang role play account ko na ginawa namin ni Hance. Pinag-iisipan ko pa kasi kung sigurado na ba akong pasukin ang pekeng mundong iyon.
Lahat naman nang nababasa ko sa ni-research ko ay katulad lang din naman sa mga sinabi ng kaibigan ko. Lahat nang nakikita ko na impormasyon na hindi sa ‘kin sinabi ng mga kaibigan ko ay isinisulat ko sa aking papel para hindi ko iyon malimutan. Kailangan ko ang mga iyon para hindi ako magkalat at matawag na toxic sa RPW.
Lahat-lahat ay inalam ko, pati kaliit-liitang impormasyon tungkol sa mundong papasukin ko. Pagkatapos kong basahin lahat ng impormasyon ay pinatay ko muna ang cellphone ko.
Medyo madilim na pala. Hindi ko iyon napansin. Alas sais na pala. Hindi ko na napansin ang oras dahil busy akong magbasa ng impormasyon.
Lumabas ako sa kwarto ko para uminom ng tubig. Nang nakarating ako sa kusina ay nagderetso na ako sa may refrigerator at kinuha ang pitsel na may lamang tubig na malamig. Hindi na ako kumuha ng baso. Inalis ko na lang ang takip nito at deretso inom. Babalik na sana ako sa k’warto ko nang makita ko si Papa.
“Papa, nasa’n po si Mama?” tanong ko rito.
“Ewan. Baka may binili o baka nasa tsismisan na naman. Pauwiin mo na. Ako na lang magluluto. Saka pala Kyle, kailan balik niyo sa school?”
“Baka po next month pa. May inaayos pa raw po sa school. Marami pa raw po ang i-c-check para sigurado na safe ang mga estudyante.” Sobrang gulo kasi ng shool namin. May sira-sira na mga upuan pati ang ibang room may mga bitak-bitak ang mga pader. Nag-panic ang mga teacher na baka raw gumuho ang mga iyon dahil sa malalaki ang bitak ng pader dahil daw iyon sa naganap na lindol no’ng nakaraang taon. Dalawang linggo pa lang naman kaming hindi nakakapasok sa school.
“Gano’n ba, anak. Medyo matagal pa ahh. Sige na tawagin mo na ang Mama mo. Baka mapa-away na naman iyon sa sobrang ka-tsismisan.”
Hindi na ako sumagot kay Papa. Naglakad na lamang ako papalabas sa pinto ng bahay namin. Nang makalabas na ako ng bahay ay kaagad ko nang pinuntahan kung nasa’n si Mama. Alam ko naman na kung saan ang pinupuntahan ni Mama tuwing naghahanap ito ng ka-tsimisan. Ewan ko ba kay Mama, ang hilig-hilig makipag-tsismisan kaya ayon tuloy maraming nakaka-away.
“Mama, umuwi ka na raw po sabi ni Papa,” sabi ko nang makarating ako sa tabi niya. Nandito si Mama sa bahay nila Albert—ang kaibigan kong siraulo.
“Ohh dre, nandito ka pala? Sinusundo mo ba si Tita?" tanong nito. Obvious na nagtatanong pa.
“Sa tingin mo, dre, bakit ako narito?” Wala sa kan’ya ang atensiyon ko nang tanongin ko iyon.
“Sabi ko nga, susunduin mo si Tita. Kalma ka lang, baka atakihin ng high blood.”
“Siraulo.”
Hindi pa rin tumatayo si Mama. “Mama, pauwi ka na nga ni Papa,” tawag ko muli rito.
“Paalam na mga amiga. Pauwi na raw ako ng aking asawa. Bukas na lang ulit.” Sa wakas ay nagpaalam na rin si Mama sa kanyang kaibigan na kapareho niyang tsismosa.
“Dre, uwi na kami.” Paalam ko rin kay Albert. Tinunguan lamang ako nito.
Naglakad na kami ni Mama pauwi. “Mama, bakit ang hilig mo maki-tsimisan?” prangkang tanong dito.
“Ano ka ba anak, “yon na lang ang libangan ko. Chismis is life nga raw sabi ng Tita Elen mo.” Nasa daan ang tingin nito kaya hindi niya nakita na napangiwi ako sa kan’yang naging sagot.
“Mapapa-away ka na naman niyan, Mama. Tigilan mo na kaya ang pagiging tsismosa, para mawalan ka na ng kaaway,” nangungumbinsing sabi ko.
Kailan kaya ito si Mama titigil kaka-tsismis? Wala naman siyang mapapala roon. Puro lang kaaway nakukuha niya.
“Bilisan na nga lang natin ang paglalakad para makarating na tayo sa bahay. Tiyak kong naghihintay na ‘yong tatay mo,” sabi nito at binilisan na ang paglalakad.
Kaagad din naman kaming nakarating sa bahay ni Mama. Naabutan namin si Papa na pinagpuputol na ang sitaw na lulutuin niya.
“Ako na ang magluluto, mahal,” presinta ni Mama.
“Ako na. Baka pagod ka sa pakikipag-tsismisan,” birong sabi ni Papa.
“Che!” Pagmamaktol ni Mama na akala mo ay dalaga pa.
Napapangiti ako kapag nag-gaganyanan silang dalawa. Halatang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Gusto ko rin nang gano’n. Kahit mahirap ay mayaman naman sa pagmamahal.
“Okay. Ikaw na magluto. Baka umiyak ka pa riyan,” pang aasar pa rin si Papa.
“Pagbibigyan naman pala, mang-aasar pa,” bulong ni Mama na umabot pa rin sa pandinig ko.
“Ito na, Mama. Tapos na kami ni Papa. Punta po muna ako sa k’warto ko. Tawagin niyo na lang ako kung kakain na.” Hindi ko na hinintay pa ang isasagot nila. Kaagad na akong naglakad papunta sa k’warto ko.
Wala naman akong gagawin sa k’warto ko. Tinatamad akong mag-facebook. Umalis ako roon sa kusina dahil naglalandian na naman ang mga magulang ko. Ang tanda-tanda na nila ang lalandi pa rin. Naghahalikan pa sa harap ko. Nakakainggit.
Nang makapasok na ako sa k’warto ko ay nahiga na lamang ako. Gabi na pero ang init pa rin. Hindi naman ako makapag-electric fan kasi nasira na sa sobrang kalumaan.
Hindi ko na kinaya ang init kaya pumasok ako sa banyo dito sa aking k’warto. Hinubad ko ang lahat ng saplot ko. Tanging gripo at timba lang ang narito sa banyo. Wala kaming shower dahil hindi namin iyon afford. I’m fully naked. Hindi pa ako nakakabuhos dahil hinihintay ko pa na mapuno ang timba.
Nang mapuno na ang timba ay kaagad na akong nagbuhos. Ang init na naramdaman ko ay napalitan ng lamig. Gabi na kaya malamig na ang tubig, hindi katulad kapag umaga na ang presko ng tubig.
Halos isang oras may kalahati bago ako natapos maligo. Buti hindi ako inabot ng dalawang oras.
Nagbibihis na ako nang tawagin ako ni Mama. Nasa labas lang siya ng k’warto ko. Hindi naman kasi sila kumakatok o pumapasok sa k’warto ko kahit nasa loob lang naman ako. Mas gusto raw nila na tawagin ako kaysa sa katukin.
“Kyle, kakain na. Ano ba ang ginagawa mo? Naka ilang tawag na ako, hindi ka pa rin sumasagot,” tawag pa rin sa ‘kin ni Mama.
“Nagbibihis pa po ako. Katatapos ko lang maligo. Naligo ako kasi ang init.” Binuksan ko na ang pinto ng k’warto ko at pumunta na kami ni Mama sa kusina habang sinusuot ko pa rin ang damit ko.
Nang makarating na kami sa kusina ay kumuha ako kaagad ng plato. Pagkatapos ay nagsandok na ng kanin at kumuha ng gulay saka nagsimula nang kumain.
BINABASA MO ANG
Meeting You In RPW
Teen FictionCOMPLETED! RPW LOVE STORY What if the girl whom afraid to enter in a relationship to this so called fake world named RPW or Role Player World, and the boy whom just new to this world met? Will they have a long lasting love in this world or will just...