SPECIAL CHAPTER (LAST PART)

421 26 5
                                    

           SPECIAL CHAPTER (LAST PART)

THIRD PERSON’S P.O.V.

KINABUKASAN ang balak nilang mamasyal kaya sinulit nila Kyle at Janna ang buong araw kakausap at paglalambingan. Hanggang sa sumapit ang gabi ay ganoon pa rin sila. Natapos lang ang pag-uusap at lambingan nila nang pumatak ang oras sa ika-sampu  oras ng gabi, dahil sa kailangan na nilang matulog. Maaga kasi ang alis nila.

“Sige na. Alis na ako. Puntahan mo nalang ako bukas sa bahay.” Paalam ni Janna kay Kyle saka tumayo at bumaling sa mga magulang ng binata na kanina pa nakamasid sa kanila. “Hmmm... Tito, Tita, uuwi na po ako.”

“Sige. Ayain mo rin ang mga magulang mo na sumama sa atin bukas ah,” nakangiting saad ng ina ni Kyle sa kaniya.

“Opo, salamat po,” tugon ni Janna.

“Samahan mo sa labas ang nobya mo, Kyle,” ani naman ng ama ni Kyle na naka-akbay sa kaniyang ina na nakatayo na rin.

“Kaya k—” Naputol ang sasabihin pa sana ni Janna nang lumapit na sa kahiya si Kyle at hinawakan ang kaniyang kamay saka pinagsaklop ang mga iyon.

“Ihahatid na kita. Malalim na ang gabi. Baka may mga loko-loko riyan sa labas,” anito kaya wala nang nagawa pa si Janna kung hindi ang tumango na lamang sa kasintahan.

Nagpaalam na si Kyle na ihahatid niya na si Janna sa bahay nito kaya tumango na lamang ang kaniyang mga magulang saka binagtas ng mga ito ang k’warto. Tanging sila na lamang ang gising pa.

Lumabas na silang dalawa sa bahay ng Lola Caring ni Kyle na magkahawak kamay.

“Noong pinakilala mo ako sa pamilya mo sobrang bilis at lakas nang tibok ng puso ko. Baka nga narinig nila,” ani Janna habang naglalakad sila.

“Bakit naman?” tanong ni Kyle saka huminto kaya napahinto rin si Janna.

Pinaharap ni Kyle si Janna sa kaniya.

“Akala ko kasi aayawan nila ako at sasabihan na hindi ako bagay sa ‘yo.” Ngumuso si Janna na kaagad namang napansin ni Kyle.

“Hindi naman sila ganoon. Kita mo naman ang saya sa mga mata nila kanina. Lalo na si Mama at Papa.” Ngumiti kay Janna si Kyle.

“Buti nga tanggap nila ako para sa ‘yo.”

“Tanggap naman ako ng mga magulang mo.” He patted her head.

“Wala na tayong poproblemahin sa mga magulang nalang. Pero may problema ako sa mga babaeng lalapit sa ‘yo,” ani Janna.

Kyle just chuckled on what her girlfriend acted. “Sa ‘yo lang ako magpapalandi. At saka hayaan mo nga lang sila na tumingin sa akin. Sa g’wapo ko ba namang ‘to, surely, all girls will look at me.”

“Kahanginan mo. Tigilan mo ‘yan, baka magka-ipo-ipo.” Turan ng dalaga.

“Maglakad na ulit tayo, para makauwi ka na.”

Hindi nalang nagsalita pa si Janna. Nagpatinuod na siya nang magsimulang maglakad ang kasintahan. Magkahawak-kamay sila kaya mapapasunod talaga siya.

“Sige na. Bye, Hon. See you tomorrow,” Kyle said after he kissed Janna’s forehead.

“Goodnight,” Janna answered then smiled.

With a smile plastered on Kyle’s lips, he turned his back to Janna. Then started to walk went to his Lola Caridad’s house.

Nang makarating siya sa bahay ng kaniyang lola ay kaagad na siyang dumeretso sa k’warto kung saan siya matutulog. Nahiga siya saka ipinikit na ang kaniyang mga mata.









Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon